Paolo Contis nagpasalamat sa 'pa-kaldereta as a friend' ni Yen Santos Bandera

Paolo Contis nagpasalamat sa ‘pa-kaldereta as a friend’ ni Yen Santos

Therese Arceo |June 15,2022
share this

Paolo Contis nagpasalamat sa ‘pa-kaldereta as a friend’ ni Yen Santos

Therese Arceo - June 15, 2022 - 02:13 PM

Paolo Contis nagpasalamat sa 'pa-kaldereta as a friend' ni Yen Santos

PINASALAMATAN ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang “friend” at kapwa artistang si Yen Santos sa ipinadala nitong pagkain.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang ipinadalang pagkain ng aktres noong Lunes, June 13.

“Kaldereta! Pero brown rice! (laughing emoji) Thank toy Lilieyen Santos,” saad ni Paolo.

Nang tignan namin ang comment section ay makikitang nag-comment si Yen na ang real name at Lilieyen Santos.

“My pleasure,” sagot ng aktres.

Sey naman ni Paolo, “Adobo next??”

Muli namang nag-reply si Yen at sinabing “Abusado ka naman (laughing emojis)”

“Grabe ka naman! Pagod agad???” hirit muli ni Paolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawang artista.

Unang pumutok ang balita ukol sa relasyon ng dalawa nang maghiwalay sina Paolo at ang dati nitong karelasyon na si LJ Reyes.

Marami ang nagtatanong kung may kinalaman nga ba si Yen sa nangyari dahil naging malapit ang dalawa nang magkasama sa pelikulang “A Faraway Land” na kinunan sa Faroe Islands.

Makalipas ng ilang araw ay spotted ng mga netizens sina Paolo at Yen na magkasama sa Baguio.

Matapos ang ilang araw na pagtatanong ng mga netizens ay sinabi ng Kapuso actor na nagpunta lang sila ng aktres sa Baguio “as a friend”.

Ngunit nang lumaon ay madalas na silang makita ng netizens na magkasama gaya na lang nang magpunta sila sa Boracay maging ang kanilang pagpunta sa mall nang i-celebrate ang birthday ng ina ni Paolo.

Marami naman ang nagsasabi na magkarelasyon nga ang dalawa pero hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa at walang direktang kumpirmasyon kung “as a friend” pa rin ba sila or “more than friends” na.

Related Chika:
#Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending