Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan | Bandera

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Therese Arceo |September 03,2021
facebook
share this

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Therese Arceo - September 03, 2021 - 05:44 PM

HINDI na nga mapigil ang pagkaimbyerna ng madlang pipol buhat nang lumabas ang exclusive interview ni LJ Reyes ukol sa estado nila ng dating partner na si Paolo Contis.

Mas kampi kasi ang mga netizens kay LJ dahil damang dama ang sakit na nararamdaman nito habang kausap si Tito Boy. Bukod pa rito, marami na rin ang naglilipanang mga pictures at videos ni Paolo na may kasamang babae sa Baguio.

Maraming netizens ang nagsasabi na si Yen Santos nga ang kasama nito bagamat hindi naman kita ang mukha ng kasama ni Paola sa videos at pictures dahil nakatalikod ito sa picture at naka-face mask naman at face shield sa video.

Ngunit may ilan ring nagsasabi na si Yen daw talaga ang babae dahil nakita nila ito sa isang restaurant sa Baguio na nagsusubuan pa habang kumakain.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag si Yen at si Paolo naman ay nauna nang sinabi na wala siyang sasabihin ukol sa isyu.

Kaya siguro mas lalong nainis ang netizens at pinagdiskitahan ang mga nakaraang statements nila sa mga naging interview sa press.

Nauna na ngang maungkat ang mga pangako ni Paolo kay LJ noon.

“Alam ko marami pa ang malabo at hindi malinaw sa ating hinaharap… pero isa lang ang malinaw para sa akin…

“Ikaw. Malinaw na ikaw lang ang gusto kong makasama habang hinaharap lahat ng kalabuan sa mundong ito. Ikaw lang ang nagbibigay saya sa akin sa gitna ng ilang kalungkutan ko.

“Kaya naman malinaw na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko. Salamat sa lahat Mahal. Maligayang Kaarawan sayo!” “Lagi kong ipinagdadasal ang iyong kaligayahan, kalusugan, at tagumpay sa lahat ng bagay… mahal na mahal kita,” saad ni Paolo nang batiin niya si LJ sa ika-30th birthday nito.

Giit ng netizens, hindi na raw nagbago si Paolo at inulit muli ang nangyari sa dating karelasyon.

“May papost post pang nalalaman un pala ikaw lng din ang sumira.promises are made to be broken nga tlg,” sey ng isang netizen.

Sa kabilang dako naman ay lumalabas rin ang naging pahayag ni Yen sa mga babaeng nagiging “kabit” sa totoong buhay.

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli.

“May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?

“Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya pero andyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa’yo na tanggap ka kung ano ka,” pahayag ni Yen sa interview nito sa Push TV.

Matatandaan na nagkaroon si Yen ng teleserye na “Halik kasama sina Sam Milby, Jericho Rosales, at Yam Concepcion. Gumanap siya rito bilang ni Ace (Sam Milby) at di kalauna’y napag-alaman na kabit nito ang asawa ng kababata na si Lino (Jericho Rosales) na si Jade (Yam Concepcion).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa bandang huli ibabasura ka din. Tandaan mo yan, Yen,” komento ng isang netizen.

Wala pa ring kumpirmasyon kung si Yen nga ba ang nasa litrato at video. Nananatili namang bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Paolo o Yen ukol sa kinakaharap na isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending