#Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts | Bandera

#Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

Therese Arceo |September 23,2021
facebook
share this

#Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

Therese Arceo - September 23, 2021 - 05:46 PM

USAP-USAPANG muli ang dating PBB housemate at Kapamilya star na si Yen Santos matapos makita ng mga netizens ang pagbubura nito ng mga posts sa kaniyang Instagram account.

Palaisipan sa mga netizens kung bakit matapos ang kabi-kabilang isyu na kinasangkutan ng dalaga ay nanatili itong tahimik at ngayon nga’y muling gumagawa ng ingay matapos mag-delete ng kaniyang mga posts sa Instagram.

Una nang tinuro ang aktres na dahilan sa hiwalayan ng Kapuso stars na sina LJ Reyes at Paolo Contis.

Nagkasama ang dalawa sa Faroe Islands kung saan nila ginawa ang pelikulang “A Faraway Land”.

Inakala naman ng mga netizens na parte pang ng promotions ng pelikula ang ginawang pag-unfollow at pagde-delete ng aktor ng kanilang mga litrato ngunit dikalaunan ay kinumpirma ni Lolit Solis na hiwalay na si LJ sa kanyang alagang si Paolo.

Dito nga ay mas nadiin si Yen bilang dahilan ng hiwalayang LJ-Paolo. Dumagdag pa ang mga kumalat na litrato at videos ng dalawa sa Baguio para mas madiin ang aktres bilang third party.

Sa mahabang Instagram post naman ni Paolo ay nilinaw nito na si Yen nga ang nakasama niya sa Baguio ngunit taliwas daw sa iniisip ng madlang pipol, nagkita lang sila doon dahil taga-Norte rin ang aktres.

Dagdag pa niya, kinakailangan lamang niya ng kausap sa kaniyang pinagdaraanan kaya inimbita niya si Yen. Pinaunlakan naman ng dalaga ang imbitasyon at pumunta sa aktor bilang kaibigan.

Comment ng mga netizens, guilty raw ang dalaga sa nangyari kaya binura na lang nito ang mga posts sa Instagram.

May ilan pa na nang-asar sa dalaga na bumalik sa Baguio para makapag-isip dahil tila magulo ang isip nito. Imbitahan na rin daw nito si Paolo Contis para may makausap siya “as a friend”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending