Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh! | Bandera

Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh!

Therese Arceo |June 28,2022
facebook
share this

Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh!

Therese Arceo - June 28, 2022 - 03:05 PM

Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh!

USAP-USAPAN na naman ngayon ang aktor na si Paolo Contis dahil mukhang muli na naman itong nakatanggap ng ulam mula sa kanyang rumored girlfriend na si Yen Santos.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang kanyang larawan kasama ang adobo.

“Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa ‘yan mamaya!” saad ni Paolo na may pa-hashtag pang “adobash”.

Dagdag pa niya, “Thank you babikwoooh!”

Bagamat pinili na lang ni Paolo na huwag nang pangalanan kung sinuman ang nagbigay ng pagkain sa kanya dahil noong huli ay umani na naman sila ng sandamakmak na pambabatikos sa madlang pipol pero tinuro pa rin ng netizens si Yen na nagpadala nito.

Matatandaan kasing mag-request noon si Paolo sa kanya ng adobo matapos siya nitong bigyan ng kaldereta.

At dahil nga sa kanyang post ay muli na naman silang binash ng mga netizens dahil tila muli na namang nanumbalik sa kanilang ala-ala ang nangyari noong nagdaang taon kung saan nauso ang terminong “as a friend” matapos i-deny ng aktor ang namamagitan sa kanila ni Yen at sinabing magkaibigan lang sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

At dahil nga dito ay hindi maiwasang mainis ni Paolo dahil masyado na raw pinakikialaman ng mga tao ang kanyang buhay lalo na’t sa kanyang personal Facebook account niya ito pinost kung saan konti lang ang kanyang friends.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay. Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami,” saad ng aktor.

Hindi nga rin daw niya ma-gets ang madlang pipol dahil wala naman daw silang ginagawang masama ni Yen.

“Bash sila nang bash, busog naman ako!” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Paolo Contis nagpasalamat sa ‘pa-kaldereta as a friend’ ni Yen Santos

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending