SB19 magpapakilig sa Bb. Pilipinas coronation night

SB19 magpapakilig sa Bb. Pilipinas; P1-M ang premyo sa coronation night

Pauline del Rosario - June 10, 2024 - 04:04 PM

SB19 magpapakilig sa Bb. Pilipinas; P1-M ang premyo sa coronation night

PHOTO: Instagram/@geloyconcepcion

BUKOD sa nag-iinit na kompetisyon ng naggagandahang mga binibini, inaabangan din ng marami ang pasabog na performance ng P-Pop Kings na SB19.

Makalipas ang dalawang taon mula nang mag-debut ang Binibining Pilipinas theme nila na “Win Your Heart,” muli silang magbabalik sa pageant stage upang manghara at magpakilig sa gaganapin na 2024 grand coronation!

Kasabay rin niyan ang selebrasyon para sa ika-60th anniversary ng major national beauty contest ng bansa.

Makakasama ng SB19 ang OPM icons na sina Martin Nievera at Gary Valenciano bilang mga special featured performers.

Samantala, returning hosts naman sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, at 2014 Miss Universe semi-finalist MJ Lastimosa.

Baka Bet Mo: SB19 pinutakti ng ‘stalkers’, pakiusap ng grupo: ‘Respect our privacy…’

Makiki-join din sa kanila si 2016 Miss International Kylie Verzosa at reigning Miss International na si Andrea Rubio.

Wait, there’s more!

Bilang nasa diamond jubilee na ang Bb. Pilipinas, ang dalawang kokoronahan na bagong reyna ay makakatanggap ng premyong P1 million, habang ang mga runner-ups ay mabibigyan ng hanggang P400,000.

Bukod diyan, iuuwi rin nila ang bagong korona na gawa ng sikat na jewelry and accessories designer na si Manny Halasan.

Ayon kay Manny, ang disenyo nito ay inspired sa logo ng nasabing national pageant.

Ang coronation night ay mangyayari sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa July 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang National Costume competition naman ay gaganapin sa Martes, June 11 sa New Frontier Theater.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending