Bb. Pilipinas 2024 may 2 bagong korona, mga reyna mananalo ng tig-P1-M | Bandera

Bb. Pilipinas 2024 may 2 bagong korona, mga reyna mananalo ng tig-P1-M

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 07:10 AM

Bb. Pilipinas 2024 may 2 bagong korona, mas pinabongga pa ang papremyo

Ang dalawang bagong korona ng Bb. Pilipinas

BILANG bahagi ng 60th year ng Binibining Pilipinas, ibinandera ng mga organizers ang dalawa nilang bagong korona at mas bonggang papremyo.

Ang mga naturang crown na dinisenyo ni Manny Halasan, ay pormal na ipinakita sa Binibining Pilipinas 2024 press presentation last Friday.

Baka Bet Mo: Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko?

In fairness, talaga namang kumikinang-kinang ang mga ethical diamond na bumabalot sa mga naturang korona na  inspired sa Binibining Pilipinas logo at  sa three stars and a sun ng bandera ng Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)


Ang dalawang paglalabanang korona sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas this year ay ang Binibining Pilipinas International 2024 at Binibining Pilipinas Globe 2024.

Bukod dito, in-announce rin ng Binibining Charities na mananalo ng P1 million ang tatanghaling winners para sa dalawang titulo at korona.

Baka Bet Mo: Cherie Gil inalala ng mga anak, kapwa-artista sa kanyang 60th birthday

Tatanggap naman ang dalawang runners-up ng P400,000 each habang may P1 million naman na ido-donate sa World Vision.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)


Magaganap ang Binibining Pilipinas 2024 coronation night sa July 7 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Inaasahan sa naturang national pageant ang performances mula sa P-pop supergroup na SB19, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, at Concert King Martin Nievera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisilbi namang hosts ang mga former Binibini queens na sina Catriona Gray, Nicole Cordovez, MJ Lastimosa, at Kylie Versoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending