Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko? | Bandera

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko?

Therese Arceo |July 08,2023
facebook
share this

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko?

Therese Arceo - July 08, 2023 - 01:50 PM

Paolo Contis sa nagsasabing namimigay siya ng papremyo pero hindi nagsusustento: Akin? Pera ko?
NAGSALITA na ang Kapuso TV host at aktor na si Paolo Contis hinggil sa mga isyung patuloy na ibinabato sa kanya.

Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nga nila ang ilang mga isyu na ikinakabit kay Paolo lalo na nang tanggapin nito ang offer na maging isa sa mga bagong hosts ng “Eat Bulaga”.

Matatandaang marami ang tumirada kay Paolo nang palitan niya ang TVJ at iba pang dating hosts ng longest noontime program at kahit wala namang kinalaman ito sa kanyang pagiging ama ay pilit itong pinagkonekta ng ibang tao.

Aniya, tanggap naman daw niya ang mga batikos na natatanggap niya at ng iba pang mga kasamahan dahil alam nila ang kanilang pinasok pero ang hindi raw niya maintindihan ay saan nanggagaling ang sobrang galit mula sa mga tao.

Isa nga sa mga ibinabato kay Paolo ay ang diumano’y pagbibigay niya ng papremyo sa show samantalang hindi raw ito nagbibigay ng sustento sa mga anak.

Chika pa ni Ogie, matagal na raw niyang gustong sagutin ang isyung ito para ipagtanggol ang kaibigan ngunit pinigilan siya ng aktor.

“Alam mo ‘yung usapin ukol sa bagay na iyan, hindi ko na pwedeng sagutin… kumbaga usapang lawyers na ‘yan. Natatawa na lang ako kasi nga again, wala naman silang alam sa mga effort na gusto kong mangyari, sa mga effort na gusto kong gawin,” saad ni Paolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Paolo Contis dumepensa sa pagiging host ng Eat Bulaga: ‘Wala kaming chance na palitan ang Tito, Vic & Joey’

Pag-amin niya, ang mga pahayag niya sa naging interview niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay isang pagkakamali.

Lahad ni Paolo, “It was a mistake kasi nga nasa lawyer na e. Mali ‘yung pagkakasabi ko tapos hindi ko naman in-elaborate… kumbaga blown out of proportion ika nga.”

Ngunit ibang kaso naman daw ang ginagawa niya sa trabaho bilang isa sa mga hosts ng “Eat Bulaga”.

“‘Yung nagbibigay ng papremyo, hindi ko naman pera ‘yun e. Pera ng production ‘yun. Nakikita n’yo bang galing yan sa bulsa ko?Tawang-tawa ako sa konsepto na yun. Ang daming naniniwala na kung makapagbigay ka ng papremyo… Akin? Pera ko? Budget ng show ‘yun e,” sey ni Paolo.

Dagdag pa niya, “Alam mo ang pangit ng sasabihin ko, maaano na naman to pero pag makikita mo… bobo!”

Wala naman daw siyang pinapatamaan pero sana raw ay ma-gets ng tao ang kanyang ipinupunto.

“Wala po akong pinatatamaan ah, pero I hope you get the point. Eat Bulaga budget siya, hindi siya akin,” hirit pa ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending