Cherie Gil inalala ng mga anak, kapwa-artista sa kanyang birthday

Cherie Gil inalala ng mga anak, kapwa-artista sa kanyang 60th birthday

Pauline del Rosario |June 23,2023
facebook
share this

Cherie Gil inalala ng mga anak, kapwa-artista sa kanyang 60th birthday

Pauline del Rosario - June 23, 2023 - 09:03 AM

Cherie Gil inalala ng mga anak, kapwa-artista sa kanyang 60th birthday

PHOTO: Facebook/Cherie Gil

ANG mga alaala ng yumaong batikang aktres na si Cherie Gil ay nananatiling buhay sa kanyang mga anak na sina Raphael at Bianca Rogoff, gayundin sa ilang kapwa-artista na nagbigay-pugay sa kanyang kaarawan.

60 years old na sana ang veteran actress nitong June 21.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagkaroon ng open letter si Raphael at dito niya inihayag ang pagka-miss sa mahal na ina.

“You’d be 60 today so I’m missing you a little more than usual,” wika niya sa post.

Dagdag pa niya, “We should be dancing in the park and feeling the grass between our toes, or celebrating over dinner and drinks, wondering, ‘Where does the time go?’

Nabanggit din niya na halos isang taon na mula nang mawala ang kanyang nanay, ngunit siya ay iniisip pa rin niya.

“You moved on 321 days ago, with 1440 minutes in a day and you brushing my mind at least ten times, I’ve thought about you 46,224 times or something like that…not particularly keeping track,” sey niya.

Sambit pa niya, “Thank you for teaching me how to live, Momma!”

Baka Bet Mo: Mensahe ng anak ni Cherie Gil kumukurot sa puso: Thank you for the greatest gift I could’ve asked for…this life and your love

“I’m sure it’s a party wherever you are right now; cause you always knew how to dance to the music of life. I’m still learning from you,” ani ni Raphael.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raphael Eigenmann Rogoff (@raphrogoff)

Nag-alay naman ng kanta ang babaeng anak ng aktres na ibinandera rin sa IG.

Ito ang sariling bersyon niya ng “I’ll Be Here in the Morning” ni Townes Van Zandt.

Kwento ni Bianca, ang pagkakasundo nila sa musika, theater at pelikula ang nagbibigay ng “sense of ease and deeper understanding” sa kanilang relasyon.

Nabanggit rin ni Bianca na ang kapatid niyang si Jay Eigenmann ang tumulong sa kanya upang ma-record ang nabanggit na kanta.

“Today my hilarious, fun-loving, complicated, overly talented mom would’ve turned 60, a birthday she was eager to hit,” sey ni Bianca sa post.

Patuloy niya, “I always planned on sharing this song on her birthday: a cover of a song I played on repeat while mom was sick.

“The lyrics brought me a lot of comfort and it’s back on repeat today as I think of the last year we spent together.”

Umaasa rin si Bianca na makakapagbigay siya ng ginhawa sa mga taong nangungulila rin sa mahal sa buhay.

“No matter what we would have ended up doing, it was gonna be a party with mom. I do not doubt she is having a party right now,” lahad niya.

“Celebrating you today, mom… I’ve thought about you everyday since you left and I still feel you everywhere. Thanks for sticking by me,” dagdag niya.

Aniya pa, “Will dance to the music of life, silly woman, and to not take things (and myself) too seriously. You did such a good job. I love you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bianca rogoff (@bianca.rogoff)

Bukod sa mga anak, miss na miss na rin siya ng kaibigan niyang aktres na si Mylene Dizon.

Ibinandera ni Mylene ang isang throwback picture kasma si Cherie, kalakip ang caption na, “Ang leader ng KP. I miss you, my friend.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milen Dijon (@missmylenedizon)

Bumati at nag-komento rin ang ilang celebrities kagaya nina Agot Isidro, Lea Salonga at Frankie Pangilinan.

Sina Raphael at  Bianca ay mga anak ni Cherie sa mister na si Rony Rogoff.

Habang si Jay naman ay anak niya sa  veteran actor-comedian na si Leo Martinez.

Si Cherie ay kilala sa Philippine showbiz bilang “La Primera Contravida.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw ang batikang aktres noong Agosto ng nakaraang taon dahil sa endometrial cancer.

Related Chika:

Dennis nakaramdam ba ng inggit kay Cesar nang makitang kumpleto ang anak nito sa pagdiriwang ng 60th birthday?

Panganay ni Cherie Gil kay Leo Martinez ibinandera ang sobrang pagmamahal sa yumaong ina; 2 pang anak super proud kay mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending