Dennis nakaramdam ba ng inggit kay Cesar nang makitang kumpleto ang anak nito sa pagdiriwang ng 60th birthday? | Bandera

Dennis nakaramdam ba ng inggit kay Cesar nang makitang kumpleto ang anak nito sa pagdiriwang ng 60th birthday?

Ervin Santiago |August 08,2022
facebook
share this

Dennis nakaramdam ba ng inggit kay Cesar nang makitang kumpleto ang anak nito sa pagdiriwang ng 60th birthday?

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 07:44 AM

Cesar Montano at Dennis Padilla

TILA may halong pagsesentimyento ay pagkainggit ang naging mensahe ni Dennis Padilla para sa 60th birthday ng kaibigan niyang si Cesar Montano.

Maraming na-touch at naintriga sa caption ng ipinost na litrato ng komedyante sa kanyang Instagram account na kuha sa birthday party ni Cesar.

Makikita sa litrato ang pagdiriwang ng lead star sa kontrobersyal na pelikulang “Maid In Malacañang” ng kanyang ika-60 kaarawan nitong nagdaang August 1.

Dito nakasama nga ni Cesar ang lahat ng kanyang mga anak mula sa iba’t ibang babaeng nakarelasyon niya.

Makikita sa picture sina Angela Manhilot (anak ni Cesar sa una at namayapang asawang si Marilyn Polinga); Diego Loyzaga (anak niya kay Teresa Loyzaga); Angelina, Chesca, at Sam Cruz (mga anak niya sa ikalawang asawa na si Sunshine Cruz); at ang iba pa niyang mga anak kina Sandra Seifert at Kath Angeles.

Nagpahiwatig muli si Dennis ng sobrang pagka-miss sa kanyang mga anak at sana raw sa pagsapit ng 61st birthday niya sa Feb. 9, 2023 ay makasama niya ang lahat ng kanyang mga anak.

Sabi ng komedyante sa caption ng kanyang IG post, “Happiiii bday pareng Buboy!! Congrats!! Praying na sana sa bday ko… (praying hands, heart, wrapped gift emojis).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)


Itinag niya sa kanyang post sina Gene Padilla, Andrew E, Randy Santiago at Cesar Montano.

Matatandaang nasuong sa kontrobersiya si Dennis nang maglabas siya nang saloobin tungkol sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Aniya, matagal na niyang gustong makita at makasama muli sina Julia, Claudia at Leon Barretto pero mukhang dinedema lang siya ng mga ito. Ilang beses na raw niyang sinubukan na mag-reach out sa tatlong anak pero wa epek daw.

Pagkatapos niyang mag-post sa social media ng kanyang nararamdaman para sa mga anak nila ni Marjorie noong Father’s Day, may panunumbat naman ang sagot sa kanya ni Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last July 25, binati naman ni Dennis si Claudia sa 23rd birthday nito sa pamamagitan ng social media pero hindi siya nireplayan nito.

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending