Panganay ni Cherie Gil kay Leo Martinez ibinandera ang sobrang pagmamahal sa yumaong ina; 2 pang anak super proud kay mommy Bandera

Panganay ni Cherie Gil kay Leo Martinez ibinandera ang sobrang pagmamahal sa yumaong ina; 2 pang anak super proud kay mommy

Ervin Santiago |August 08,2022
share this

Panganay ni Cherie Gil kay Leo Martinez ibinandera ang sobrang pagmamahal sa yumaong ina; 2 pang anak super proud kay mommy

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 08:07 AM

Cherie Gil, Jay Eigenmann, Raphael at Bianca Rogoff

NAG-POST din ng kani-kanilang mensahe ang tatlong anak ng yumaong award-winning actress na si Cherie Gil sa pamamagitan ng social media.

Ibinahagi rin nila sa kanilang mga Instagram account ang inilabas na official statement ng pamilya Eigenmann sa pagpanaw ng primera contravida nitong nagdaang Biyernes, August 5.

Mababasa rin ito sa IG ng kapatid ng aktres na si Michael de Mesa at sa Instagram page ng mga pamangkin niyang sina Sid Lucero at Andi Eigenmann.

Na-diagnose si Cherie na may endometrial cancer na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang ginagamot sa Amerika.

Ang tatlong anak ni Cherie ay sina Jay Eigenmann (anak niya sa veteran actor at comedian na si Leo Martinez), at Bianca at Raphael Rogoff (anak niya sa kanyang ex-husband na si Rony Rogoff na isang Israeli violinist).

Lahat sila ay sa Amerika na naninirahan kaya naman nagdesisyon na rin ang premyadong aktres na doon na rin manirahan matapos tamaan ng cancer.

“I love you so much mom (purple heart emoji),” ang caption ni Jay sa litrato nila ng ina.

Mensahe naman ni Bianca, “I love you, mom. You did such a good job. I am so proud of you (purple heart emoji).”

Pahayag ni Raphael  “Words cannot express my love for you, Momma. I’m so proud of you (purple heart emoji). #macherieamour.”

May ipinost din si Raphael sa kanyang Instagram Story na mga lumang photos nila ng ina, kabilang na rito ang litrato kung saan kitang-kita sa kanyang itsura ang hirap na kanyang pinagdaraanan dahil sa cancer.

Masipag ding sinasagot ng mga anak at iba pang kapamilya ni Cherie ang mga netizens na nakikiramay sa kanilang pamilya kabilang na ang mga artistang nakatrabaho at napalapit na rin sa yumaong aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jay (@jayeigenmann)


Samantala, marami naman ang nagulat nang malaman nilang nagkaroon pala ng relasyon noon sina Cherie Gil at Leo Martinez at nabiyayaan pa ng isang anak.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga taga-industriya ng showbiz na anak ng dalawa si Jay Eigenmann pero hindi nga ito masyadong alam ng publiko dahil hindi naman napag-uusapan mula noong maghiwalay sila ilang dekada na ang nakararaan.

Cherie Gil na-diagnose ng ‘rare form of endometrial cancer’: She fought bravely against her illness, with grace and strength…

Leo Martinez nanawagan para sa mga senior: Maawa kayo, aba’y mahigit 1 taon na kaming nakakulong…

Sharon Cuneta nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil: It is the end of an era now that you’ve left us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending