Payo ni Gloria Romero sa youngstars: Wag paglaruan ang trabaho

Payo ni Gloria Romero sa mga youngstar: Wag paglaruan ang trabaho

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 12:40 AM

Payo ni Gloria Romero sa mga youngstar: Wag paglaruan ang trabaho

Gloria Romero at Dolphy

HALOS lahat yata ng mga sikat na artista ngayon, mapa-Kapamilya,  Kapatid at Kapuso ay nakatrabaho ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Gloria Romero.

Nang kumpirmahin ng pamilya ang pagpanaw ng movie at TV icon nitong nagdaan Sabado, January 25, ay sunud-sunod ang pagpo-post ng tribute ng mga celebrities na nakatrabaho ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Pinarangalan at binigyang-pugay nila si Tita Glo sa pamamagitan ng social media kasabay ng pasasalamat sa legasiyang iniwan nito sa mundo ng showbiz.

Marami nang artistang dumalaw sa lamay ni Tita Glo sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City, upang personal na makiramay sa naulila niyang pamilya.

Baka Bet Mo: Gloria Romero muling nakausap ang dating guro na 100 years old na ngayon: Nakakaiyak naman po…

Sa isang panayam sa Queen of Philippine Cinema, natanong si Tita Glo kung ano ang sikreto at inabot nang ilang dekada ang career niya sa showbiz.

Sagot ng award-winning veteran actress, “I love what I’m doing. It’s my passion. I love working.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I love meeting stars and I’m so lucky marami na akong nakasamang mga baguhan,” aniya pa.

Nabanggit din niya sa naturang interview ang napakalaking utang na loob niya sa Sampaguita Pictures, kung saan siya nakagawa ng napakaraming pelikula.

Pahayag ni Tita Glo, “At saka everything siguro is in God’s perfect time. Siya ang nagbibigay sa atin ng whatever na pinapangarap natin, as long as we have faith in God and also a lot of prayers.”

Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga kabataang artista na nais magtagal sa mundo ng showbiz.

“Huwag nilang paglaruan ang trabaho. They should work hard for it, for them to achieve whatever they want to achieve.

“It doesn’t mean sa artista lang… in any kind of job you are in, you really have to love and respetuhin mo yung trabaho. You really have to have discipline, dedikasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit doctor ka, nurse ka, teacher, yung love mo sa trabaho mo is very important,” ang payo pa ng namayapang movie icon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending