Maritess Gutierrez sa pagpanaw ni Gloria Romero: We will miss her jokes
BUHOS pa rin ang natatanggap na pakikiramay ng naulilang pamilya ng movie at television icon at itinuturing na Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.
Sa social media, kanya-kanyang post ang mga artista at iba pang mga kilalang personalidad ng kanilang mga pa-tribute para sa namayapang Reyna ng Pelikulang Pilipino.
Sumakabilang-buhay ang award-winning veteran actress nitong nagdaang Sabado, January 25, sa edad na 91.
Kaya naman nag-uumapaw ngayon ang puso ng anak ni Tita Glo na si Maritess Gutierrez sa pagmamahal at pagpapahalagang ibinibigay ng mga tao sa pumanaw niyang ina.
Ayon kay Marites, sa dami ng mga role na ginampanan ng kanyang pinakamamahal na ina sa telebisyon at pelikula, ang pagganap nito bilang kanyang ina sa tunay na buhay ang hinding-hindi niya makakalimutan hanggang nabubuhay siya.
Baka Bet Mo: John, Gretchen, Lani inalala si Gloria Romero: ‘You’ll always be in our hearts’
“For me, I think God was the one who gave my mom to me, to take care of me. I think it was really planned. It was our destiny also for Chris. It was all God’s plan,” ang pahayag ni Maritess sa ulat ng ABS-CBN.
Itinuturing din niyang isang napakagandang regalo ang close relationship nila ng ina pati na ang relasyon ni Tita Glo sa kanyang apong si Chris Gutierrez.
“Kasama namin araw-araw. Malapit kami. We are really close. I tell her everything. Hindi siya nagkukulang magbigay advice.
“Most of all we will miss her jokes. Tatlo lang kami sa house, we have fun, masaya kami,” pag-alala pa ni Marites sa kanyang ina.
Kwento naman ni Chris, hanggang sa mga huling sandali raw ng buhay ng kanyang lola ay nanatili pa rin itong ilaw sa kanilang tahanan.
“Naalala ko last conversation she said, ‘matanda na ako, wala na ako mabigay lahat nabigay ko na.’ And I just said ‘Lola ang dami mo nabg nabigay, you gave so much.
“Until the last moment she was trying to give pa rin. She gives everything. You can see it naman that’s why we love her.
“She is such an amazing person. I am so happy to be her apo. I hope everyone experience that kind of love,” sabi pa ni Chris about her lola.
Naniniwala rin si Chris na bukod sa napakaraming pelikula at TV show na nagawa ni Tita Glo, mananatili rin ang kanyang kabaitan, pagiging mapagmahal at propesyonalismo sa lahat ng nakatrabaho niya sa showbiz industry.
“The way she carries herself sa work ethic. She is such a skilled actress. But the things people say is she is so nice, she is always on time, she knows her lines everyone’s lines, she gives advice, she is there for everybody,” sabi pa ni Chris.
“We are happy to share her with everyone,” mensahe ni Chris sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.
“Thank you for taking time out na andito kayo,” dagdag naman ni Maritess.
Samantala, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Tita Glo sa industriya ay ang premyadong aktor na Tirso Cruz III na wasak din ang puso ngayon sa pagpanaw ng veteran actress.
“She is a big loss to the industry. Although it is a line that has been abused, totoo she will be missed. She is a big loss not just for me, my wife, but for the whole industry,” pahayag ni Tito Pip.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.