John, Gretchen, Lani inalala si Gloria Romero: ‘We will miss you!’

John, Gretchen, Lani inalala si Gloria Romero: ‘You’ll always be in our hearts’

Pauline del Rosario - January 27, 2025 - 02:54 PM

John, Gretchen, Lani inalala si Gloria Romero: ‘You’ll always be in our hearts’

Gloria Romero

MARAMING celebrities ang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot matapos pumanaw ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Kabilang na riyan ang aktor na si John Estrada na ibinandera ang napakahaba niyang mensahe ng pakikiramay.

Aminado si John na nawasak ang kanyang puso nang malaman ang malungkot na balita.

Kasunod niyan ay inalala niya ‘yung mga panahon na baguhan pa lamang siya sa showbiz industry at nakatrabaho ang yumaong award-winning actress.

“9 years ako sa ‘Palibhasa Lalake,’ sa clip na to first time ko nakita [at] nabasa si TitA Glo by accident akala ni Goma (Richard Gomez) kame ang lalabas sa may hagdanan, ang ‘di niya alam si tita glo pala hahaha, basain mo na lahat wag lang si tita minerva, she was our QUEEN, kaya ‘nung nangyari ‘to sobrang takot na takot kami, at akala namin totoong galit siya, but after the take, niyakap namin siya at nag-sorry at nag-smile siya at sinabing its alright mga iho, Wag niyo lang ulitin uli and we all laughed, and we all hugged, tita glo had the sweetest soul [red heart emojis],” kwento niya na ipinapakita rin sa post ang sinasabi niyang eksena.

Baka Bet Mo: Ilang celebs nagbigay-pugay, nakiramay sa pagpanaw ni Gloria Romero

Inilarawan din ni John na si Gloria ay “very supportive” at “encouraging” sa kanya, lalo na ‘nung napagalitan siya dati sa nasabing sitcom.

“One time tinawag niya ako and gave me the advice of a lifetime, sabi nya, Juanito gusto mo ba talaga ang ginagawa mo? And I replied opo tita, sabi niya ‘di ka tatagal sa industriyang eto kung ‘di mo seseryosohin eto, kasi nga puro lang kame kulitan, and she continued, wag mo gayahin yan sina ricardo at joselito dahil magagaling na ang mga ‘yan, matagal na nila ginagawa ‘to, e ikaw bago ka pa lang, so magbasa ka ng script at mag-memorize ka…. and syempre sineryoso ko ang advice niya,” chika ng aktor.

Dagdag ni John, “Those inspiring words gave me comfort and confidence as I navigated the industry. Tapos nung nagiging leading man na ako sa teleserye, at natuto na akong umarte, at nagkita kame ni tita glo, inupo niya ako at she told me na she’s a fan now at sobra daw siyang proud sa akin.”

Mensahe niya sa yumaong batikang aktres, “Maraming maraming salamat sa napakabuti nyong puso tita. Napaka swerte ko po at nakatrabaho ko kayo kahit baguhan pa lang ako sa industriya at isa kayo sa mga Reyna ng industriya.”

“I am praying that you will rest peacefully in the comfort of God’s embrace. I love you Tita Minerva a.k.a Tita Glo[red heart emoji]. You ll Surely Be Missed [brocken hearts, folded hands emojis],” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@johnestrada__)

May Instagram post din ang entertainment reporter na si Gretchen Fullido na makikita ang picture nila ni Gloria na magkayakap.

Ang caption diyan ni Gretchen, “Rest in peace dearest tita Gloria Romero [sad face, broken heart, folded hands emojis].”

Wika pa niya, “You will always be the Queen of Philippine Cinema [sparkling emoji] We will miss you. Love you always [white dove emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Fullido (@gretsfullido)

Ibinandera rin ng actress-politician na si Lani Mercado ang kanyang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Gloria.

“We will miss Tita Gloria Romero.Her memory will always be in our hearts,” saad niya, kalakip ang throwback picture ng yumaong legendary actress kasama ang father-in-law ni Lani na si Ramon Revilla Sr.

Paliwanag niya, “This picture was taken when she visited my father in law during his stronger years. RIP Tita Gloria [folded hands emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lani Mercado Revilla (@lanirevilla)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending