Ilang celebs nagbigay-pugay, nakiramay sa pagpanaw ni Gloria Romero
UMAPAW ang mga pakikiramay sa pagpanaw ng tinaguriang Queen of Philippine Cinema noong 1950’s na si Gloria Romero.
Maliban sa fans at netizens, nagbigay-pugay rin ang ilang celebrities na nakatrabaho at talagang naging malapit sa legendary actress.
Barbie Forteza
Paglalarawan ni Barbie Forteza, “heartbreaking” ang pagkawala ng movie icon.
“Buong buhay ko pong ipagmamalaki na nakatrabaho ko po kayo,” sey niya sa isang Instagram post, kalakip ang throwback picture nilang dalawa.
Aniya pa, “Rest in paradise, Ms. Gloria Romero [white dove emoji].”
Baka Bet Mo: Gloria Romero muling nakausap ang dating guro na 100 years old na ngayon: Nakakaiyak naman po…
This is so heartbreaking 💔
Buong buhay ko pong ipagmamalaki na nakatrabaho ko po kayo.
Rest in paradise, Ms. Gloria Romero 🕊️ pic.twitter.com/lzVAQnrFeL
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) January 25, 2025
Amy Castillo
Wasak din ang puso ni Amy Castillo at inamin niyang ma-mimiss niya ang yumaong batikang aktres.
Ang tawag pa nga niya kay Gloria ay “mommy,” base sa IG post.
“Thank you for everything [white heart emoji]. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ [folded hands emoji]. Love you forever,” mensahe niya.
View this post on Instagram
Charo Santos-Concio
Inihayag naman ni Charo Santos-Concio ang kanyang paghanga kay Gloria noong bata pa siya.
Inamin din niya na hindi siya makapaniwala na nakatrabaho niya ito sa isang proyekto.
“When I became a producer for Kapag Langit ang Humatol, I saw firsthand how dedicated and professional she was. Tita Glo had this remarkable way of making everyone around her feel valued and respected. She treated every role with the same reverence, from her award-winning performance in Dalagang Ilocana, her unforgettable portrayal in Tanging Yaman, to the heartwarming comedy of Palibhasa Lalake, where she became our ever-charming Tita Minerva,” kwento ng dating CEO ng ABS-CBN.
Patuloy niya sa IG, “On-screen, she brought laughter, joy, and wisdom as the lovable grandmother. Off-screen, she was just as warm and nurturing, always ready with kind words or a gentle smile that could brighten even the most difficult days.”
Ayon pa kay Charo, hindi lang isang icon si Gloria kundi isang “guiding light for so many of us.”
Mensahe niya, “Thank you, Tita Glo, for the laughter, the lessons, and the love you shared with all of us. You will forever live on in our hearts, a shining star whose brilliance will never fade.”
“Rest in peace and power, Tita Glo. You are deeply loved and will be sorely missed,” ani pa niya.
View this post on Instagram
Melissa Mendez
Nakiramay naman si Melissa Mendez sa mga naiwang pamilya ng iconic actress –ang anak nito na si Maritess Gutierrez, pati na rin ang apo na si Chris.
“It is with great sadness to hear the passing of our beloved Tita Gloria Romero,” bungad niya sa post.
Caption pa niya, “During this difficult time, may I humbly ask for prayers for strength and comfort to be upon our friend Maritess Gutierrez. Rest now Tita Glo in the loving arms of Jesus [folded hands emoji].”
View this post on Instagram
Ang wake ni Gloria ay gaganapin sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City simula ngayong Linggo, January 26, bagama’t ito ay mahigpit na eksklusibo para sa pamilya at mga kaibigan.
Ang public viewing ay sa January 27 at 28 tuwing umaga lamang.
Ilan sa mga pelikula na nagpasikat sa yumaong artista ay ang 1952 film an “Madame X,” at “Dalagang Ilocana” na makalipas ang dalawang taon ay hinirang siyang Best Actress sa FAMAS.
Ang mga kinatampukan pa niyang mga pelikula ay ang “Hong Kong Holiday,” “Condemned,” “Nagbabagang Luha,” “Tanging Yaman,” “Magnifico,” “Moments of Love,” “Beautiful Life,” “Rainbow’s Sunset,” at marami pang iba.
Nakabilang rin siya sa ilang TV dramas katulad ng “Familia Zaragoza,” “Mga Anghel na Walang Langit,” “May Bukas Pa,” at “I Love Betty La Fea.”
Dahil sa natatangi niyang husay sa pag-arte sa ilang dekada niya sa entertainment industry ay marami na rin siyang natanggap na parangal.
Kabilang na riyan ang dalawang FAMAS Award for Best Actress awards, isang FAMAS Award for Best Supporting Actress, dalawang Gawad Urian acting awards, at dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress awards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.