Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent... | Bandera

Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent…

Ervin Santiago |May 16,2022
facebook
share this

Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent…

Ervin Santiago - May 16, 2022 - 12:13 PM

Britney Spears at Sam Asghari.

NAKIRAMAY ang mga Filipino fans ng international singer na si Britney Spears matapos nitong kumpirmahin ang balitang nakunan siya kamakailan.

Sa kanyang official Instagram account, inihayag ni Britney kahapon, May 15, ang malungkot na balita kaya naman bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa social media.

Naglabas ang American singer-songwriter na tinagurian ding Princess of Pop, ng official statement na ginawa nila ng kanyang partner na si Sam Asghari.

“It is with our deepest sadness (that) we have to announce that we have lost our miracle baby early in the pregnancy. This is a devastating time for any parent.

“Perhaps we should have waited to announce until we were further along.

“However, we were overly excited to share the good news. Our love for each other is our strength. We will continue trying to expand our beautiful family,” ang bahagi ng pahayag ng celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Britney Spears (@britneyspears)


Nagpasalamat din si Britney sa lahat ng mga nag-message sa kanila sa social media kasabay ng pakiusap na bigyan muna sila ng privacy “during this difficult moment.”

Sa comments section, nag-post naman si Sam ng, “We will have a miracle soon.”

Nitong nagdaang Abril ibinandera nina Britney at Sam ang balitang magkaka-baby na sila habang September, 2021 naman nila in-announce sa publiko ang kanilang engagement.

May dalawa nang teenager na anak si Britney sa dati niyang asawang si Kevin Federline — sina Sean at Jayden.

Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Sigaw ni Andrea Torres: May himala!

Wil may ‘moving forward’ post matapos ang breakup kay Alodia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending