Britney Spears hindi na itutuloy ang music career

Britney Spears hindi na itutuloy ang music career: ‘I will never return!’

Pauline del Rosario - January 05, 2024 - 12:34 PM

Britney Spears hindi na itutuloy ang music career: 'I will never return!'

INQUIRER file photo/by Patrick Lasanas for Wilbros Live

HINDI na magbabalik sa music industry ang Pop icon na si Britney Spears.

‘Yan ang inanunsyo mismo ng international singer sa kanyang recent Instagram account kasabay ng pagtanggi niya na magkakaroon siya ng bagong album.

“Just so we’re clear, most of the news is trash!!! They keep saying I’m turning to random people to do a new album. I will never return to the music industry!!!” caption niya sa IG.

Pero hindi ibig sabihin niyan ay titigil na talaga siya sa paggawa ng mga kanta, dahil sa katunayan nga ay nagco-compose pa rin siya ng musika para sa ibang music artists.

Pagbubunyag niya, nakapagsulat na siya ng mahigit 20 songs bilang isang ghostwriter.

Baka Bet Mo: Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent…

“When I write, I write for fun or I write for other people!!! For those of you who have read my book, there’s a lot that you don’t know about me,” sey niya.

Chika pa niya, “I’ve written over 20 songs for other people over the past two years!!! I’m a ghostwriter, and I honestly enjoy it that way!!!” 

Kasundo niyan ay itinanggi ng iconic singer ang kumakalat na chikang wala siyang consent nang inilabas ang kanyang memoir na “The Woman in Me.”

“People are also saying MY BOOK WAS RELEASED WITHOUT MY APPROVAL ILLEGALLY, and that’s far from the truth. Have you read the news these days??? I’m so loved and blessed!!!” pagbabahagi ng singer sa kanyang post.

At speaking of her memoir, alam niyo bang naging bestseller ito sa Amerika na may mahigit 1.1 milyong kopya na naibenta sa unang linggo ng pag-release nito.

Baka Bet Mo: Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake

Magugunita rin noong August 2023 nang kinumpirma ng dati niyang mister na si Sam Asghari ang hiwalayan nila ng pop star matapos ang mahigit isang taong kasal.

Base sa inilabas na court documents ng Los Angeles sa California, ang divorce ng dalawa ay dahil sa “irreconcilable differences” o hindi pagkakaintindihan.

Taong 2016 nang unang magkakilala ang dating mag-asawa sa taping ng music video ng singer na pinamagatang “Slumber Party.”

Ayon sa naunang interview ng aktor, siya ay personal na pinili ni Britney upang maging ka-love team sa nasabing music video.

Taong 2021 naman nang mabalitang engaged na ang dalawa at makalipas ang isang taon ay ikinasal na nga sila sa Thousand Oaks, California.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ay matapos mapawalang-bisa o ma-terminate ang 13-year conservatorship ni Britney kung saan may karapatan na siya at kontrol sa kanyang mga ari-arian at sariling buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending