Pagtanggal ng kontrol ng ama sa career, pinansya ni Britney Spears sisimulan na
LOS ANGELES–Wagi si Britney Spears na mabasag ang kumpletong kontrol ng ama sa kanyang buhay at ari-arian nang payagan ng korte na magtalaga ng sariling abugado ang pop superstar.
Emosyonal si Britney matapos ibaba ni Judge Brenda Penny ang kanyang desisyon tatlong linggo makaraang ibunyag ng 39-taong-gulang na singer sa kanyang testimonya ang umano’y “kalupitang” nararanasan niya sa ilalim ng conservatorship ng kanyang amang si Jamie Spears.
Si Spears, na pumaimbulog ang kasikatan habang ito ay teenager pa lamang, ay nag-breakdown noong 2007 nang atakehin niya ang sasakyan ng isang paparazzo sa isang gas station.
Noong 2008, itinalaga ng korte ang kanyang amang si Jamie na co-conservator o tagapangalaga ng career at kayamanan ni Britney dahil sa mental health issues na sinusuong ng singer. Kasama ng ama ang Bessemer Trust, isang wealth management company sa America, pero umatras na ito bilang co-conservator nitong maagang bahagi ng Hulyo.
View this post on Instagram
Sa eklusibong testimonya sa korte ni Britney noong nakaraang buwan, ibinunyag niyang hindi siya pinahihintulutang ng mga conservator na tanggalin ang contraceptive na IUD bagama’t gusto pa niyang magkaanak, at pwershan din umano siyang pinapainom ng mga gamot na ang resulta ay para siyang lango sa alak.
Si Mathew Rosengart ang abugadong pinili ni Britney na mag-represent sa kanya para matapos na ang umano’y “malupit” na guardianship ng kanyang ama.
Matapos ang hearing, sinabi ni Rosengart na maghahain siya ng petisyon sa lalong madaling panahon para matanggal si Jamie bilang conservator.
At ang tanong pa nga niya, “Why is Mr Spears not voluntarily stepping down?”
“He does not belong in this conservatorship anymore. And we believe he should voluntarily step down immediately,” wika pa ng abugado.
Sa testimonya ni Spears sa korte, na ginawa sa pamamagitan ng telepono, galit at pagkadismaya ang ipinakita ng pop superstar.
“I’m angry and I will go there,” wika ng singer, at sinabi pa nga nito sa korte na “they were trying to kill me.”
“If the court doesn’t see this as abuse… I don’t know what is,” wika ni Spears, habang nanawagan ito na imbistigahan at isyuhan ng restraining order ang kanyang ama.
Matapos matanggap ang paborableng desisyon ng huwes, nag-post ng video si Britney sa Instagram na may caption: “Coming along, folks … coming along!!!!! New with real representation today … I feel GRATITUDE and BLESSED!!!!”
Nakalagay din ang kanyang popular na hashtag: “#FreeBritney.”
Mula sa ulat ng Agence France-Presse
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.