Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noon

Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake

Pauline del Rosario |October 19,2023
facebook
share this

Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake

Pauline del Rosario - October 19, 2023 - 05:47 PM
Britney Spears may ‘ipinalaglag’ na baby noong dyowa si Justin Timberlake
Britney Spears, Justin Timberlake

NAKAKAGULAT ang naging rebelasyon ng tinaguriang Princess of Pop na si Britney Spears sa upcoming release ng kanyang memoir.

Ito ay pinamagatang “The Woman in Me” na nakatakdang ilabas sa darating na October 24.

Pagbubunyag ng iconic singer, dati na siyang nagpalaglag ng ipinagbubuntis niyang baby mula sa fellow pop star na si Justin Timberlake.

Kung maaalala, ang dalawa ay nag-date noong 1999 hanggang 2002.

Ayon sa ilang bahagi ng kanyang autobiography na iniulat ng People magazine, inalala ni Britney na kahit naging sorpresa ang kanyang pagbubuntis ay nais niyang magkaroon ng anak.

Baka Bet Mo: Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent…

Ngunit napunta daw ito sa abortion dahil sa pagpupumilit ng dati niyang partner.

“I loved Justin so much. I always expected us to have a family together one day,” paglalahad ni Britney.

Paliwanag pa niya, “But Justin definitely wasn’t happy about the pregnancy. He said we weren’t ready to have a baby in our lives, that we were way too young.”

“I never would have done it. And yet Justin was so sure that he didn’t want to be a father,” saad pa niya kung saan inilarawan niya ang naging karanasan bilang “one of the most agonizing things” sa kanyang buhay.

As of this writing, wala pang pahayag o sagot si Justin patungkol sa naging rebelasyon ni Britney.

Unang nagkakilala sina Britney at Justin noong bata pa sila kung saan naging cast members sila ng children’s television series na “The Mickey Mouse Club.”

Tatlong taon silang nag-date sa kanilang teenage years bago pa maghiwalay noong 2002.

Inamin ni Justin sa pamamagitan ng isinulat niyang kanta na “Cry Me a River” na hindi siya naging tapat sa singer noong mag-dyowa pa sila.

Hindi rin naman nagtagal, humingi rin ng sorry si Justin kay Britney at inako na siya ang may pagkakamali sa kanilang relasyon.

Sa ngayon, may dalawang anak si Britney mula sa kanyang ikalawang asawa na si Kevin Federline.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Kevin ay isang singer at backup dancer na kung saan ay dalawang taon lang tumagal ang kanilang kasal.

Noong April 2022, magkakaroon sana ulit ng anak si Britney sa kanyang ex-husband na si Sam Asghari ngunit siya ay nakaranas ng miscarriage.

Ikinasal sina Britney at Sam noong June 2022, pero nagkahiwalay rin sila makalipas ang mahigit isang taon.

Related Chika:

Justin Timberlake, Anna Kendrick bibida ulit sa bagong ‘Trolls’ movie, mga bagong karakter ipinakilala na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

NSYNC naglabas ng bagong kanta after 20 years, magsisilbing lead track ng bagong ‘Trolls’ movie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending