Justin Timberlake, Anna Kendrick bibida ulit sa bagong ‘Trolls’

Justin Timberlake, Anna Kendrick bibida ulit sa bagong ‘Trolls’ movie, mga bagong karakter ipinakilala na

Pauline del Rosario |September 16,2023
facebook
share this

Justin Timberlake, Anna Kendrick bibida ulit sa bagong ‘Trolls’ movie, mga bagong karakter ipinakilala na

Pauline del Rosario - September 16, 2023 - 04:12 PM

Justin Timberlake, Anna Kendrick bibida ulit sa bagong ‘Trolls’ movie, mga bagong karakter ipinakilala na

PHOTO: Courtesy Universal Pictures

ISANG bagong animated film ang tiyak na magpapasaya sa maraming moviegoers ngayong holiday season!

Makalipas ang tatlong taon, muling magkakasama ang American actress na si Anna Kendrick at international singer na si Justin Timberlake sa bagong chapter ng blockbuster musical franchise ng DreamWorks Animation na “Trolls.”

Ito ang “Trolls Band Together” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na November 15.

Sa kalalabas lang na trailer, next level ang kwento ng mga bidang karakter na sina “Poppy” (Anna Kendrick) at “Branch” (Justin Timberlake) dahil mula sa pagiging magkaibigan ay mag-dyowa na sila.

Baka Bet Mo: ‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’

Habang nagiging malapit ang dalawa sa isa’t-isa, unti-unting nadiskubre ni Poppy ang lihim na nakaraan ni Branch.

Ayon sa pasilip, dating parte ng boyband na “BroZone” si Branch kasama ang apat niyang kapatid na sina Floyd, John Dory, Spruce at Clay.

Mapapanood din na muling sumabak sa panibagong journey ang dalawa upang iligtas ang isang kapatid ni Branch na kinidnap ng tinatawag na pop-starvillains na sina Velvet at Veneer.

Bukod kina Anna at Justin, ilan sa mga bagong cast ng animation movie ay ang sikat na international singers na sina Troye Sivan at Camila Cabello, pati na rin sina Zosia Mamet, 12-time Emmy winning drag icon RuPaul Charles, Eric André, at Grammy winners na sina Daveed Diggs at Kid Cudi.

Ang returning cast naman ay sina Zooey Deschanel, Christopher Mintz-Plasse, ang Icona Pop duo na sina Aino Jawo and Caroline Hjelt, Grammy winner Anderson.Paak, comedian Ron Funches, SAG nominee Kunal Nayyar at Emmy winning Saturday Night Live legend Kenan Thompson.

Kung maaalala, ang kauna-unahang “Trolls” movie ay ipinalabas noong 2016 habang ang kasunod nito na may titulong “Trolls World Tour” ay noon pang 2020 na parehong nakakuha ng nominasyon bilang “Best Original Song” sa Oscars.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan

‘Strays’ handa nang magpaiyak at magpatawa, ‘Equalizer 3’ makikipagbakbakan na sa takilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending