‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’ | Bandera

‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’

Pauline del Rosario |September 15,2023
facebook
share this

‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’

Pauline del Rosario - September 15, 2023 - 01:24 PM

‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’

PHOTOS: Courtesy Warner Bros. Pictures

NAKAKA-EXCITE naman ang bagong pelikula ng DC Extended Universe (DCEU)!

Magbabalik na kasi sa big screen ang “highest-grossing DC film of all time,” ang “Aquaman.”

Ipapalabas sa darating na December 20 ang sequel nito na pinamagatang “Aquaman and the Lost Kingdom” na muling pagbibidahan ni Jason Momoa.

Kalalabas lang ng pasilip nito at mapapanood na matinding kalaban ang kakaharapin ni Aquaman.

Siya si “Black Manta” na gagampanan ng American actor na si Yahya Abdul-Mateen II kung saan ay nakatakda siyang maghiganti matapos mamatay ang kanyang ama.

Baka Bet Mo: ‘Strays’ handa nang magpaiyak at magpatawa, ‘Equalizer 3’ makikipagbakbakan na sa takilya

Mukhang malakas ang kalaban na ito ni Aquaman dahil nasa kamay niya ang mythic Black Trident na nagpapakawala ng “ancient” at “malevolent force.”

At para mailigtas ni Aquaman ang kanyang pamilya, pati na rin ang buong mundo ay kinailangan niyang palayain ang kanyang kapatid na si Orm na ginagampanan naman ni Patrick Wilson.

Kung maaalala sa naunang installment ng pelikula na “The King of the Seven Seas,” nakalaban ni Aquaman si Orm kung saan tinalo niya ito para maging bagong hari ng Atlantis.

Bukod sa mga nabanggit, si Amber Heard pa rin ang papapel bilang reyna ng Atlantis.

Si Nicole Kidman naman bilang Atlanna, ang fierce leader at ina ni Aquaman.

Magbabalik din si Dolph Lundgren bilang King Nereus at si Randall Park as Dr. Stephen Shin.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula ng DC

Panibagong kabanata ng hit horror film na ‘The Nun’ mananakot na sa mga sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending