Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula

Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula ng DC

Pauline del Rosario - June 15, 2023 - 05:20 PM

Batman, Super Girl, The Flash nagsama-sama sa bagong pelikula ng DC

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

PALABAS na sa mga lokal na sinehan ang bagong epic superhero film ng DC Extended Universe (DCEU)!

Ito ang “The Flash” na tungkol sa tinaguriang “fastest man alive” ng DC Comics na si Barry Allen.

Ang bida sa nasabing superhero ay ang American actor na si Ezra Miller.

Bukod sa mala-action packed na pelikula, puno rin ng katatawanan ang “The Flash.”

Ang istorya nito ay iikot sa bagong nadiskubreng superpower ni The Flash na kayang ibalik ang nakaraan.

Baka Bet Mo: Bagong pelikula ng ‘Transformers’ sumabak na sa mga sinehan, bida ang mga bagong karakter

Mapapanood na gagamitin niya ito upang mailigtas ang kanyang pamilya.

Ngunit dahil diyan ay nagkagulo ang tinatawag nilang “multiverse” at nagbalik ang isa sa pinakamatindi niyang kalaban na si “General Zod.”

Tampok din sa pelikula ang ilang DC heroes na sina Batman at Super Girl.

Ilan pa sa mga makakasama ni Ezra sa superhero film ay sina Sasha Calle, Michael Shannon, Ron Livingston, Maribel Verdú, Kiersey Clemons, Antje Traue, at Michael Keaton.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong animated film ng ‘Spider-Man’ aprub sa mga kritiko: ‘It raised the bar with its unique animation style!’

Margot Robbie may bagong adventure sa pelikulang ‘Barbie’, mapapanood na sa Hulyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending