Bagong pelikula ng ‘Transformers’ sumabak na sa mga sinehan

Bagong pelikula ng ‘Transformers’ sumabak na sa mga sinehan, bida ang mga bagong karakter

Pauline del Rosario |June 08,2023
facebook
share this

Bagong pelikula ng ‘Transformers’ sumabak na sa mga sinehan, bida ang mga bagong karakter

Pauline del Rosario - June 08, 2023 - 06:46 PM

Bagong pelikula ng ‘Transformers’ sumabak na sa mga sinehan, bida ang mga bagong karakter

PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures International

NAGBABALIK na sa big screen ang inaabangang bagong pelikula ng “Transformers.”

Ito ay may pamagat na “Rise of the Beasts” na mapapanood na sa lahat ng lokal na sinehan.

Punong-puno ng aksyon ang pelikula na kung saan ay bida pa rin ang ang lider ng “Autobots” na si Optimus Prime.

Bukod diyan, exciting din ang paglabas ng mga bagong karakter at bagong kakampi laban sa mga kontrabidang “Decepticons” na ang tawag ay “Maximals.”

Para sa mga hindi pa nakakapanood ng bagong Transformers movie, ang bagong grupo ay isang uri pa rin ng transformers, pero sila ay nasa anyo ng mga hayop.

Ang Maximals ay ang ancestors at descendants ng mga Autobots na ilang daang taon nang nakikipaglaban sa Decepticons.

Baka Bet Mo: Mariel sa body shamer: Nanganak ako, 2 times, OK! Ikaw, what happened to your attitude?

 Tampok sa bagong pelikula sina Anthony Ramos, Dominique Fishback, Tobe Nwigwe, Peter Cullen, Ron Perlman, Peter Dinklage, at Michelle Yeoh.

Kasama rin sa action film sina Liza Koshy, John DiMaggio, David Sobolov, Michaela Jae Rodriguez, Pete Davidson, Cristo Fernández, at marami pang iba.

Ang “Transformers: Rise of the Beasts” ang ika-pitong installment ng nasabing franchise.

Matatandaang taong 2018 pa nang huling ipinalabas ang Transformers movie na may titulong “Bumblebee” na kung saan ay unang ipinakilala ang tinatawag nilang Maximals, Predacons, at Terrorcons.

Related Chika:

AJ Raval nagbabalik social media matapos magtanggal ng posts sa Instagram

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending