AJ Raval nagbabalik social media matapos magtanggal ng posts sa Instagram | Bandera

AJ Raval nagbabalik social media matapos magtanggal ng posts sa Instagram

Therese Arceo |November 02,2021
facebook
share this

AJ Raval nagbabalik social media matapos magtanggal ng posts sa Instagram

Therese Arceo - November 02, 2021 - 03:04 PM

Nagbabalik social media si AJ Raval matapos ang mahigit isang linggong social media detox.

AJ Raval

MULING nagbabalik sa social media ang young actress na si AJ Raval matapos ang desisyon nito na magpahinga muna sa social media at magbura ng mga posts sa Instagram dahil sa patuloy na pangba-bash ng mga netizens.

Ito ay matapos madamay si AJ sa Kontrobersyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na nagsimula buhat nang aminin ng young actress na nanliligaw ang aktor sa kanya.

Matatandaang Oktubre 20 noong maglabas si AJ ng video sa kanyang TikTok account kung saan humingi siya ng tawad kay Kylie pati na rin sa mga taong nasaktan at naapektuhan nang i-share niya ang viral “breaking silence” post ni Aljur na ngayon ay burado na.

@ajravsss♬ original sound – Aj Raval

Dito rin nabanggit ni AJ na pansamantala muna siyang magpapahinga sa social media para na rin sa sariling kapakanan.

“Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace,” aniya sa nakaraang post. “Sana matapos na ‘to kasi bugbog na talaga ‘yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Mag-so-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media,” saad ng dalaga.

Ngunit marami ang nagulat nang muli itong mag-upload sa Instagram ng larawan kung saan bagong gupit ang dalaga bilang parte ng kanyang karakter sa susunod na proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Ito ay uploaded noong Oktubre 31.

“New look for the new project!!” sey niya.

Nakatakdang gumawa ng isang action movie ang aktres sa direksyon ni Roman Perez Jr.

In fairness naman kay AJ, bagay na bagay pa rin sa kanya ang bagong look. Mas naging maangas ang dating ng dalaga pero hindi pa rin nawawala ang ganda nito.

Paniguradong mahirap rin para kay AJ ang pag-iwas sa social media lalo na’t kailangan nitong mag-promote ng mga projects niya at malaking bagay ang social media lalo na’t mas maraming tao na ang nakatambay dito dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval nag-sorry kay Kylie: Baka nga tama kayo, I’m too immature and I need to grow

Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending