Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga? Bandera

Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Therese Arceo |October 14,2021
share this

Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Therese Arceo October 14, 2021 - 05:23 PM

Alyssa Alvarez ipinagtanggol ang anak na si AJ Raval at ang nanliligaw rito na si Aljur Abrenica.

TO the rescue ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez para ipagtanggol ang anak sa mga netizens na patuloy ang pagbatikos rito matapos mapabalita ang pakikipagmabutihan nito kay Aljur Abrenica.

Pinatulan at nireplyan nito ang mga bashers na ayaw tantanan ang anak.

Isang netizen ang nag-comment ng “Kung nagawa niya kay Kylie, kaya nya rin gawin sa iba.”

Agad naman nitong ipinagtanggol si Aljur. Reply niya, “Sus, sino ka para humusga? Ikaw ba walang nagawang kasalanan?”

Pinuna rin nito ang pagiging “judgmental” ng karamihan sa mga pinoy.

“Yan mahirap sa ibang mga Pilipino masyado judgmental, kaya walang asenso. Just saying. Di naman natin hawak ang kalooban ng Dios, kapatid,” sey nito.

Marami kasi ang hindi naging sang-ayon sa pakikipaglapit ng dalaga sa aktor lalo pa’t hindi pa pormal na hiwalay ang aktor sa asawa nitong si Kylie Padilla.

Bukod pa rito, si AJ ang itinuturong third party kung bakit tuluyan nang hindi nag-work out ang relasyon nina Kylie at Aljur.

Bagamat nilinaw na ni Kylie na hindi third party si AJ at hindi rin third party ang rason kung bakit sila naghiwalay ng asawa ay patuloy pa rin ang bashers sa pagsasabi nito.

Sa recent interview rin ni Kylie ay inamin niyang hangad niya ang kasiyahan ni Aljur dahil ama pa rin ito ng mga anak niya kahit na hiwalay na sila.

Dagdag pa niya, gusto niyang maramdaman ng mga anak niya na masaya ang tatay nila.

Wala pa namang m ibinabahagi sina AJ at Aljur kung nag-level up na ang relasyon nila mula sa unang inilabas nila sa publiko na nasa “getting to know each other” stage pa lang sila.

Samantala nag-post rin ang kapatid ni AJ na si Ace Raval ng litrato kasama si Aljur.

Caption nito, “Sila galit, kami steady lang.”

Karagdagang ulat:
Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Aljur, AJ huli sa akto, magkahawak-kamay habang nasa mall; Kylie walang pake

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending