Aljur, Kylie may 'comeback' nga ba? Bandera

Aljur, Kylie may ‘comeback’ nga ba?

Therese Arceo |September 30,2021
share this

Aljur, Kylie may ‘comeback’ nga ba?

Therese Arceo September 30, 2021 - 06:58 PM

MAY MGA kumakalat na balita ukol sa diumano’y pagbabalikan ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ito rin ay nabanggit ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kaniyang online show.

Ayon sa kaniya, may mga naririnig daw siyang mga balita na nagkabalikan ang dalawa ilang buwan matapos ikumpirma ni Kylie ang kanilang paghihiwalay.

“Paano mo ngayon kakatwiranan ‘yung mga patapos mong salita noon na ngayon ay balitang balita na hindi man kayo magkasama sa isang bubong ni Aljur ay madalaa kayong magkasama dahil sa inyong mga anak,” sey ni Manang Cristy.

“Tayo, nagugulat don sa dakdak nang dakdak, ‘di ba? Oh ano ngayon, tapos pala magbabalikan din kayo. Hindi natin pinipigil ang pagbabalikan, mas maganda ‘yan. Lalo na para sa mga anak nila at kasal sila. May basbas ng legalidad ang kanilang pagsasama.

“Pero ito nga ‘yon, ‘yung dapat ay hindi na lumaki. Leksyon ‘to e, leksyon para sa marami. Hindi lang sa mga artista, kahit sa mga katulad natin. Kapagka gano’n po na pupwede pa nating awatin ang ating sarili sa pagpapahayag ng mga patapos na salita, pigilin natin,” dagdag pa niya.

Nananatili namang tahimik at walang kumpirmasyon ukol sa isyu sina Kylie at Aljur.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng dalawa.

Kung true man ang kumakalat na chika, good for them dahil muling mabubuo ang kanilang pamilya. Bukod pa ron, sana ay mas maging matibay na ang kanilang relasyon the second time around lalo na’t may mga batang dapat isaalang-alang.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending