Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ? Bandera

Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Reggee Bonoan |October 09,2021
share this

Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Reggee Bonoan October 09, 2021 - 10:56 AM

 

“FEELING ko wala ng love ‘yun,” ito ang pakiramdam ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa sinabi ni Kylie Padilla na open silang makipag-date ng asawang si Aljur Abrenica sa iba.

Ito ang isa sa topic nila nina Mama Loi kasama si Tita Jegs sa “ogie Diaz Showbiz Update” na in-upload sa YouTube channel nito kamakailan.

Sabi pa ni Ogie, “Hindi pa naman sila hiwalay (ng legal) di ba? Kasal sila pero parang hinahayaan na ni Kylie (magkipag date si Aljur). Pagka-ganu’n ang babae sa lalaki na sige lang okay lang mag-date ka, feeling ko wala ng love yu’n, na-fall out na ‘yun.”

Dagdag pa, “saka ‘yung sinasabing ‘sige okay lang ako.’ Feeling ko ‘yung mga ganun, madaling naka-move on. Ako nararamdaman ko ‘yun sa tagal ko sa industriyang ito. Pag ayaw ng marinig ang pangalan o pag-usapan, pagka-ganu’n naka-move on na ‘yun.”

Totoo kaya Kylie naka-move on ka na o na fall out of love ka nga ba sa tatay ng mga anak mong sina Alas at Axl Romeo?

Samantala, hindi na itinatago nina Aljur at AJ Raval ang pagmo-malling nila kamakailan at inamin na rin naman ng aktor na nanliligaw nga siya sa dalaga ni Jeric Raval base sa kuwento ng action star.

Nabanggit din ni Ogie na ini-enjoy na ni Kylie ang pag-iisa kaya okay na sa kanya na wala sa tabi niya si Aljur.

Sabay baling ni Ogie kay AJ, “sana lang alam ni AJ Raval ang pinapasok niya pero siyempre sabi nga nila, puso ‘yan hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Sundot naman ni mama Loi, “Kaso ‘nay paano ‘yung bilin ni kuya Binoe (Robin Padilla) na kung magbabalikan, magbalikan na.”

“Meron naman kasing tinatawag Loi na cool-off, baka nagku-cool of sila. Sige hanapin muna natin ang ating sarili.

“Kunwari lang si Aljur nabigo siya kay AJ inisplitan niya tapos doon niya na-realize na ‘mas mahal ko to, eh (turong pakaliwa). Mas mahal ko si Kylie kasi may nakuha akong taong naikukumpara ko ‘yung pag-ibig ko kay Kylie at sa girl na puwedeng ganu’n din ang mangyari kay Kylie pag na-in love siya tapos mas mahal pala niya si Aljur tapos doon sila magkakabalikan,” paliwanag ni Ogie.

Samantala, may nakapanood sa vlog na ito ni Ogie at tinanong kami kung sino ang boyfriend ngayon ni Kylie.

Meron ba? Parang wala naman kaming nabalitaang meron?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending