Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan Bandera

Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan

Therese Arceo |March 03,2022
share this

Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan

Therese Arceo March 03, 2022 - 10:23 PM

Carlo Aquino curious sa pagiging troll: Mukhang maganda bigayan

USAP-USAPAN ngayon ang aktor na si Carlo Aquino dahil sa kanyang curiosity patungkol sa pagiging troll o hater online.

Sa kanyang Instagram story, ibinato ng aktor ang tanong patungkol sa kung paano nga ba nagiging troll o hater ang isang tao sa online world.

“Paano kaya mag-apply na troll at hater? Mukhang maganda bigayan e,” saad ni Carlo.

Well, hindi naman na bago ang usaping troll dahil talagang talamak ito sa social media mapa-Facebook man, Twitter, o Instagram.

Bukod sa hate comments, responsable rin ang mga trolls na ito sa pagpapakalat ng fake news o false information sa madlang pipol.

Pero bakit nga ba biglang naging bet ni Carlo ang pag-aapply bilang troll at hater? May kinalaman kaya ito sa mga nakaraang kontrobersyang kinakaharap ng aktor kaugnay sa kanyang relasyon sa partner at ina ng kanyang anak na si Trina Candaza.

Hindi rin kasi biro ang natatanggap na bashing at hate comments ng aktor na hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ukol sa estado nila ng partner.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

 

Nagsimula kasi ito nang mag-post ng status si Trina patungkol sa “partner na dumadalaw na agad sa ibang babae”.

Nananatili naman ang kanilang magandang coparenting set up sa anak na si Mithi dahil minsan sa isang vlog ni Trina ay ibinahagi niya na inaayos niya ang gamit ng anak dahil susunduin daw ito ni Carlo.

Sa kabila naman ng mga intriga ay mas pinipili na lang siguro ng dalawa na huwag na lamang magsalita para na rin sa kanilang little Mithi.

January 2019 nang unang mapabalitang may something sa pagitan nina Trina at Carlo habang nali-link pa ang aktor kay Angelica Panganiban na katatapos lang magsama noon sa pelikulang “Exes Baggage”.

Ngunit tuluyan nang nakumpirma ang relasyon ng dalawa nang mag-post ng larawan ang aktor kasama si Trina.

2020 naman nang i-welcome nila ang kanilang cutie baby girl na si Enola Mithi.

Related Chika:
Korina ‘tatapusin’ na ang mga bayarang trolls: Hiyain muna natin nang todo bago ipakulong
Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending