Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba? | Bandera

Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan |January 29,2022
facebook
share this

Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan - January 29, 2022 - 09:42 AM

Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

NAG-POST ang mommy ng anak ni Carlo Aquino na si Trina Candaza noong January 16 ng, “you’ll grow beautifully in your own way –Dhiman.”

May haka-hakang hindi na maayos ang relasyon nang dalawa lalo’t pareho silang walang larawang pinost noong Pasko at Bagong Taon.

Ito ang napansin ni @titarara0217, “wala din silang picture ng Xmas and Newyear .”

Oo nga tsinek namin ang huling post nila bago mag pasko ay noong Nobyembre 28 para sa isang produkto at Enero 13 na ang sumunod kasama ang anak nilang si Baby Mithi para sa isang diaper brand.

Nitong January 19 ay muling nag-post si Trina ng, “Little by little, day by day, what is meant for you will find its way.”

At may netizen na nagtanong kung kumusta na sila ni Jose Liwanag na tunay na pangalan ni Carlo.

Three days ago ay nag-post si Trina kasama ang anak para sa isang food delivery service, at kahapon ay pinost nito ang larawan niya, “Selfie after weerk.”

Ayon kay @bingaf, “Sayang sila ni Carlo if wala na (emoji crying).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Payo naman ni @ericka0000001, “God bless you, Tina! Mag-focus ka sa anak mo. Hayaan mo na ung bansot na yun. Know your worth. Hindi ka ang nawalan kundi sya:).”

At kahapon, Biyernes ay sinagot na ni Trina ang tanong ng publiko tungkol sa kanila ni Carlo by posting na may pinupuntahang ibang babae ang aktor.

Aniya, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…

“Wag na kayo umasang mag babago pa ‘yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago.”

Kung ia-analisa ang pahayag na ito ng model girlfriend ni Carlo ay hindi pa sila totally hiwalay kundi on the rocks lang. Bukod dito ay pina-follow pa naman nila ang isa’t isa as of this writing.

Samantala, may post naman si Carlo na nakasandal sa mga iba’t ibang posters na ang caption niya ay slow down.

At sabay tanong ni @itslugenasyndel, “Where is Lena, Jordan?”

Si Lena ay karakter ni Erich Gonzales at si Carlo naman si Jordan sa iWantTFC series na “La Vida Lena” na magtatapos na sa Pebrero 4.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Sumunod na post ng aktor ay black and white picture niya na may hawak na kapeng nasa paper cup na ang caption ay, “Silence and coffee, Silence and coffee.”

Ayon kay @ericka0000001, “Magbago kana, Carlo. ‘Wag mo hayaang masira ang pamilyang binuo mo. 🙂 Alam kong napaka daming magandang babae sa mundo pero may MAS GAGANDA PA BA SA MAG-INA MO? Think and reflect. God bless you! :)”

Nagtatakang tanong ni @honeytaz888, “Totoo kaya ang post ng asawa nia?! Naku po kapag panay ka ng panay na ganyan baka sakit na yan.. (napanuod ko lang sa isang movie).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Say ni @maricel311986, “Nu nangyari pre ‘wag kang Maging marupok.”

At ang payo ni @itslugenasyndel, “Carlo balik ka na kay Trina. Mas gwapo ka tingnan if buo family mo.”

Related Chika:
Carlo pinag-iipunan na ang dream house para sa pamilya; The Company may regalo sa mga plantito’t plantita

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending