NSYNC naglabas ng bagong kanta after 20 years, magsisilbing lead track ng bagong ‘Trolls’ movie
MAKALIPAS ang dalawang dekada, maglalabas ng bagong kanta ang legendary American pop boy band na NSYNC!
Pinamagatan itong “Better Place” na nakatakdang ilabas sa October 20.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Sony Music, itatampok ang bagong kanta sa bagong pelikula ng blockbuster animated musical na “Trolls” – ang “Trolls Band Together.”
Para sa kaalaman ng marami, isa ang “Better Place” sa 14 tracks na isinulat ng multi-award-winning artist na si Justin Timberlake para sa animated movie.
Siya rin ang nagsisilbing executive music producer nito kasama ang GRAMMY award-winning producer-songwriter na si Mike Elizondo.
Baka Bet Mo: ‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’
Bukod sa NSYNC, ilan pa sa mga original music na ginawa ni Justin ay may collaboration ng ilang pop artists kabilang na sina Kid Cudi, Camila Cabello, Troye Sivan, Anna Kendrick, at marami pang iba.
Narito ang kumpletong listahan ng tracklist para sa inaabangang bagong chapter ng “Trolls”:
- Better Place (from Trolls Band Together) – *NSYNC
- Perfect – Justin Timberlake, Eric Andre, Daveed Diggs, Kid Cudi & Troye Sivan
- Let’s Get Married – Justin Timberlake, Anna Kendrick, Zooey Deschanel, Anderson.Paak, Kenan Thompson, Kunal Nayyar, Icona Pop & Ron Funches
- Watch Me Work – Andrew Rannells & Brianna Mazzola
- Vacay Island – Daveed Diggs, India Carney & Ty Taylor
- BroZone’s Back – Justin Timberlake, Eric Andre, Daveed Diggs & Anna Kendrick
- Lonely People – Troye Sivan
- Hustle Dimension – Joseph Shirley
- It Takes Two – Camila Cabello, Anna Kendrick, Justin Timberlake, Eric Andre, Daveed Diggs & Kid Cudi
- Mount Rageous – Andrew Rannells & Brianna Mazzola
- Better Place (Family Harmony) – Justin Timberlake, Eric Andre, Daveed Diggs, Kid Cudi, Troye Sivan, Anna Kendrick & Camila Cabello
- Better Place (Reunion) – *NSYNC, Eric Andre, Daveed Diggs, Troye Sivan & Kid Cudi
- Family – Justin Timberlake, Anna Kendrick, Camila Cabello, Eric Andre, Daveed Diggs, Kid Cudi Troye Sivan
- 9 to 5 – Zosia Mamet
Kung maaalala, nabuo ang grupong NSYNC noong 1995 consisting of members na sina Justin, JC Chasez, Chris Kirkpatrick, Joey Fatone, at Lance Bass.
Ilan sa mga sikat nilang kanta ay ang “Bye Bye Bye,” “It’s Gonna Be Me,” “This I Promise You,” “I want You Back,” “Thinking of You,” at marami pang iba.
Samantala, next level ang magiging kwento ng “Trolls Band Together” kung saan nagka-developan at nagkatuluyan na nga ang bidang karakter na sina “Poppy” (Anna Kendrick) at “Branch” (Justin Timberlake).
Ayon sa pasilip, dating parte ng boyband na “BroZone” si Branch kasama ang apat niyang kapatid na sina Floyd, John Dory, Spruce at Clay.
Mapapanood din na muling sumabak sa panibagong journey ang dalawa upang iligtas ang isang kapatid ni Branch na kinidnap ng tinatawag na pop-starvillains na sina Velvet at Veneer.
Nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa November 15 ang “Trolls Band Together.”
Kung maaalala, ang kauna-unahang “Trolls” movie ay ipinalabas noong 2016 habang ang kasunod nito na may titulong “Trolls World Tour” ay noon pang 2020 na parehong nakakuha ng nominasyon bilang “Best Original Song” sa Oscars.
Related Chika:
‘Strays’ handa nang magpaiyak at magpatawa, ‘Equalizer 3’ makikipagbakbakan na sa takilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.