Sanggol na ipinalaglag tinangay ng aso, ina ng baby hinahanting

Sanggol na ipinalaglag tinangay ng aso, nanay ng baby hinahanting

Ervin Santiago - February 02, 2025 - 12:01 AM

Sanggol na ipinalaglag tinangay na aso, nanay ng baby hinahanting na

Stock Photo

ISANG bangkay ng sanggol ang umano’y tinangay ng isang aso mula sa bakanteng lote sa Barangay. San Isidro, General Santos City.

Shocked ang mga residente ng Purok Masagana sa Barangay. San Isidro nang makita nila ang patay na baby na sinasabing natagpuan at pinaglaruan doon ng isang aso.

Base sa ulat, hinihinala ng mga otoridad na posibleng ipinalaglag ang sanggol ng ina nito matapos matagpuan ang ilang tabletas ng gamot sa bangkay nito na pinaniniwalaang may koneksyon sa  abortion.

“Doon, nakita itong mga unprescribed pills na sinusubukan namin i-confirm kung para saan ito.

Baka Bet Mo: Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

“Kung yun ba ay after abortion or yun ba ang gamit para ma-abort ang bata, at ang makaka-testify niyan, ang mga attending physician natin,” ang pahayag ni PMaj. Ivan Charles Abastillas, Commander, PS1-Gensan Police Office, sa isang panayam.

Agad namang dinala ang bankay ng sanggol sa isang punerarya habang patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy kung sino ang ina ng biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang mga imbestigador sa mga ospital at clinic sa nasabing probinsya na maaaring makapagbigay ng impormasyon hinggil sa identity ng nagpalaglag na nanay.

“Nag-coordinate din kami sa mga clinics and hospitals kung sakaling may nagpa-confine na babae na posibleng may indicators na bagong dating, dahil mag-bleeding pa naman siya.

“Pag-abortion, kailangan pa siyang raspahan para malinis,” sabi pa ni Abastillas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending