Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento... | Bandera

Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

Ervin Santiago |December 16,2021
facebook
share this

Neri ipinakilala ang baby girl nila ni Chito: Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao, nagawan agad ng kwento…

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 05:50 PM

Chito Miranda, Neri Naig, Miggy, Cash at Baby Pia

AGAD na nilinaw ng aktres at negosyante na si Neri Naig ang malisyosong tsismis tungkol sa karga-karga niyang sanggol sa isang family photo na ipinost niya sa Instagram.

Maraming netizens ang na-curious kung sino ang baby na kasama sa litratong ibinahagi ni Neri noong wedding anniversary nila ng kanyang hubby na si Chito Miranda.

Makikita ito sa Instagram account ng aktres kung saan kasama niya sa photo ang asawang bokalista mg Parokya ni Edgar at ang kanilang dalawang anak na sina Miggy at Cash.

Kaya naman ang karamihan sa mga IG followers ni Neri ay nagtanong kung sino ang karga niyang sanggol at kung bakit lagi na itong ka-join sa kanilang mga family pictures.

May nagkomento na ang nasabing baby girl ay ang umano’y adopted sister ni Neri na itinuring na nila ni Chito na parang tunay na anak.

May netizen naman ang nang-intriga sa celebrity couple at sinabing ang bata raw ay anak umano ni Chito sa dati nitong relasyon. May pagkakahawig daw kasi ang sanggol at ang OPM icon.

Isa pang netizen ang nagkomento na anak daw ng singer-songwriter ang bata sa pagkabinata at sinabi lang na adopted sister ito ni Neri. 

View this post on Instagram

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Marami pang comments ang mga netizens hinggil dito kaya nilinaw na ni Neri ang isyu tungkol sa tunay na identity ng baby na pinangalanan nilang Baby Pia. 

Paliwanag ng aktres, totoong inampon nila ni Chito ang bata, “Sa mga Marites (tsismosa), Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period.”

Hirit pa ng celebrity mom, “Ok na? Gets na ‘yan?” aniya. “Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento.”

Nagbahagi rin si Chito ng mensahe tungkol kay Baby Pia at kinumpirma nga niya na very soon ay magiging legal nang bahagi ng pamilya Miranda ang bata.

“She will soon be. As we are in the process of making her ours, officially,” sabi ng singer.

Nito lang Lunes, Dec. 13, nag-celebrate sina Neri at Chito ng kanilang 7th wedding anniversary. Ikinasal sila noong 2014 sa pamamagitan ng isang civil ceremony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muli silang ikinasal sa isang garden wedding ceremony sa Tagaytay City.

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending