Liza Soberano sumusumpang hindi nagpalaglag sa US, aamin daw sa publiko sakaling mabuntis
NEVER magpapa-abort o magpapalaglag ang controversial actress na si Liza Soberano kung sakaling mabuntis siya kahit hindi pa kasal.
Yan ang ipinagdiinan ng dalaga nang matanong tungkol sa tsismis noon na nabuntis umano siya ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil kaya nagtungo sa Amerika kung saan daw siya nagpalaglag.
Sa latest vlog ni Bea Alonzo sa YouTube, nagsalita na nga si Liza tungkol sa malisyosong chika na nagpalaglag siya sa Amerika.
Sumalang ang aktres sa Lie Detector Challenge at isa nga sa mga naitanong ay ang walang kamatayang abortion issue.
View this post on Instagram
“I was accused of that during the time I got operated on in the States for my finger,” simulang pahayag ng girlfriend ni Enrique.
Nagsimula lang daw yun sa isang blind item mula sa isang male reporter hanggang sa pangalanan na siya ng mga netizens. Kumalat ang nasabing fake news nu’ng araw na dinala siya sa operating room para sa kanyang surgery.
Nalungkot lang daw siya dahil hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili sa kumalat na pekeng balita, “I wasn’t allowed to talk about it for some reason.”
Hindi rin daw siya makapag-update sa kanyang social media accounts dahil sa kundisyon niya kaya ang paniwala ng mga netizens ay totoo ang mga chika about her.
“Tsaka paano ako magpo-post (sa social media), I was wearing a cast, and I was always sick ’cause I was taking antibiotics constantly,” sabi ni Liza.
Bukod dito, inamin din niya na medyo nag-gain siya ng weight matapos siyang magkaroon ng injury dahil hindi na siya nakakapag-workout.
View this post on Instagram
“He (reporter) started making accusations towards me and there were blind items. He didn’t name-drop me, but it was so obvious because there were words like ‘Ang darnang hindi lumipad,’” sey ng aktres.
“It’s just sad that I couldn’t defend myself like that so I had to post the picture na nagpa-opera ako and for some reason people still didn’t believe it.
“I was in a really good relationship that was accepted by my people. If I did get pregnant, why wouldn’t I come forward with it?
“And I would never get an abortion because that’s not just something I believe in personally,” paliwanag pa niya.
Sa tanong kung ano ba talaga ang paniniwala niya sa isyu ng abortion, “For myself I wouldn’t do that, just because that’s my personal belief. But I don’t hold it against anyone else that does that.”
Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon
Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli pero mas gusto munang tutukan si Amari
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.