Enrique Gil tinawag na 'my wife' si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US? | Bandera

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Reggee Bonoan |February 21,2023
facebook
share this

Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Reggee Bonoan - February 21, 2023 - 11:15 AM

Enrique Gil tinawag na 'my wife' si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Enrique Gil at Liza Soberano

TRENDING si Enrique Gil sa social media kagabi dahil may binanggit siyang “my wife” at alam naman ng lahat na ang karelasyon niya ngayon ay si Liza Soberano.

Secretly married na nga kaya ang dalawa? Ito rin ba ang dahilan kung bakit secured ang pakiramdam ng aktor kahit miles away ang pagitan nila ng kasintahan?

Naaalala pa namin na may mga nagsabing baka magkadebelopan na sina Liza at manager nitong si James Reid dahil sila parati ang magkasama at sa iisang bahay pa sila nakatira sa Amerika.

Sinagot naman ito ng ex-manager ni Liza na si Ogie Diaz na naniniwala siyang walang namamagitan sa aktres at kay James dahil base sa pagkakakilala niya sa dalaga ay malalim itong maghamal at stick to one, kaya walang dapat ipangamba si Quen dahil magkaibigan lang talaga sila ni Mr. Reid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Gayun din si Enrique na hindi rin nali-link sa iba habang wala si Liza at sa katunayan ay dinadalaw-dalaw niya ang aktres sa US.

Anyway, kaya nag-trending si Quen ay dahil nagpapasalamat siya habang katabi niya ang NBA Trophy na kunwari ay nanalo siya.

Pinost ng Twitter account @NBA Philippines ang thank you speech ni Enrique na ang caption ay, ‘Imagine winning an NBA trophy! Enrique Gil plays around with the idea at the #NBAAllStar idea weekend.

Sabi ng aktor, “To my coaching staff, my teammates, my family, my wife.  Thank you for the love and support for a chance maybe.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Kulang 300 retweets kaya nagulantang ang LizQuen fans at iisa ang tanong nila, “hoy seryoso?  My wife?”

Namili rin siya sa NBA house ng jersey at tinanong kung para kanino ang mga pinamili

“I’ve got some jerseys, bro. So, I’ve got one for, uhm, LIZA’s DAD, one for my BEST FRIEND, and, one for me.”

Hmm, baka naman ito ang term of endearment ni Quen kay Liza, ‘my wife?  Ano naman kaya ang tawag ng dalaga sa aktor?

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending