Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings | Bandera

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Therese Arceo - August 28, 2021 - 12:13 PM

ISA ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil o LizQuen sa mga sikat na real life couples ng Kapamilya network.

Sa YouTube channel ng King of Talk na si Boy Abunda, nakapanayam nito ang isa sa bahagi ng LizQuen na si Enrique Gil.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na matagal na silang mag-dyowa at hindi rin kaila sa mga ito na isa si Liza sa may pinakamagandang mukha sa industriya at sa katunayan, pati foreign celebrities ay nagkakacrush sa kanya.

Hindi nga ba natatakot si Enrique dahil mala-dyosa at malakas ang appeal nito?

“It’s scary in a sense that you want to protect her even more,” pag-amin ng aktor.

Kuwento rin nito, gabi bago ang interview niya kay Tito Boy, may pilit raw na tumatawag sa aktres na sa tingin niya ay may balak mang-hack sa dalaga.

“I think the more you love the person, the more you just want to protect her,” dagdag pa niya.

Inusisa naman ni Tito Boy ang singsing na suot ni Enrique at tinanong ito kung engaged na ba sila ni Liza.

Ayon sa binata, hindi pa raw sila engaged ng girlfriend at kung dumating na sila sa point na ‘yun ay siguradong ipapaalam nito sa madlang pipol at sa mga sumusuporta sa kanila.

Kamakailan ay may mga usap-usapan rin na diumano’y kasal na raw ang dalawa dahil sa parehas na singsing na suot nila sa latest vlog na inupload ni Liza.

At dahil nabanggit na rin ang usapang engagement, na-curious naman ang King of Talk kung seryoso na ito sa pagsesettle down at pagpapakasal.

“Yeah, of course but we want to take it step by step. That’s why we’re getting into business muna,” sagot ng binata.

Wala namang joint account ang dalawa tulad ng tipikal na couples ngunit pag-amin niya ay meron silang holding company para sa mga businesses nila kung saan doon na lahat pati na rin ang pagbabayad ng taxes.

Ayon naman sa aktor, walang perfect age sa pagpapakasal ngunit napag-uusapan na nila ito ni Liza.

“We talk about it sometimes, out of nowhere. Like, ‘What do you think about getting married or stuff like this?’ ‘Yeah but we had a lot of plans’.

“But it’s so hard kasi there’s so much in our plate right now. We want to build our alcohol business. We’re getting into 3 more businesses in totally different fields so we just want to make sure that when we have our own family, we’re well-off. Basta we can live comfortably, we’re fine,” pagbabahagi ng aktor.

Isa rin si Liza sa mga celebrity na madalas nakakatanggap ng hate comments at pangbabash sa tuwing nagsasalita ito ukol sa pulitika.

Chika ni Enrique, ayaw na ayaw niyang nakikita na nai-stress ang girlfriend sa mga negatibong sinasabi sa social media.

Aniya, “I’m the one who’s trying to calm her down, trying to tell her that ‘I know you are trying to prove a point or you want your voice to be heard but there’s a lot of times that there’s too many voices out there that can also make your voice… they can just drew in you’.”

Ibinahagi rin ni Enrique na nais niyang sa beach magpakasal nang tanungin siya ni Tito Boy. Dito ay ikinuwento rin niya ang naging encounter noon sa isang fan.

“I remember a fan telling us na ‘please if ever’, we were doing a show in Texas ata or somewhere tapos sinabi niya sa may elevator pa ‘please, kapag ikakasal kayo dapat talaga sa church kasi kung hindi magagalit talaga si Lord’ and I was like, ‘okay sige, I’ll remember that’. So I guess we need to do two weddings now,” natatawang chika ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman pala sobra ang pagpupursige ng dalawa para sa kanilang magiging future ay dahil sa kasal pa lang, malaki na ang magagastos nila.

Pero kung saan masaya ang couple, paniguradong susuportahan pa rin sila ng madlang pipol gaya ng pagsuporta ng mga ito noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending