Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya? | Bandera

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Therese Arceo |May 28,2022
facebook
share this

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Therese Arceo - May 28, 2022 - 10:29 PM

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?
MATAPOS aminin ng talent manager na si Ogie Diaz ang katotohanan na hanggang May 31 na lang ang kanyang kontrata bilang talent manager ng aktres na si Liza Soberano ay ang pagsagot rin niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang proyekto ang tambalang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil).

Marami kasi ang curious to the point na binabatikos na ang talent manager dahil halos 3 years na buhat nang mapanood ang dalawa sa Kapamilya teleseryeng “Make It With You”.

Pag-uusisa pa nga ni Mama Loi, may kinalaman raw ba ito sa hindi na pagre-renew ng dalaga sa management ni Ogie kaya ito nangyayari.

Diretsahan naman itong sinagot ng talent manager at sinabing natakot raw kasi ang alaga sa nangyaring pandemya.

“Sabihin na nating na natakot sila dahil nga pandemya. Two years din yun… Sa totoo lang, as a manager, gusto kong maging busy yung alaga ko. Talagang bibigyan natin yan ng pelikula lalo na at ang daming pini-pitch sa LizQuen,” paglalahad ni Ogie.

Nagkataon lang rin daw na hindi pa feel ng LizQuen ang right timing sa paggawa ng proyekto at naging busy rin sila sa kanilang negosyo.

Kahit na ganon daw ay hindi pa rin naman nakakalimutan ng dalawa ang kanilang mga taga-suporta ngunit paminsan daw talaga ay may mga nauudlot na mga proyekto.

Pagkukwento ni Ogie, may mga pagkakataon raw kasi talaga na magkakaroon ng bonggang lockdown at bigla na ring nawawalan ng gana ang dalawa dahil rito.

“Infairness, hindi naman nagkulang ang ABS-CBN at Star Cinema sa pagpi-pitch sa kanila kung ano ang gusto nilang storyline dahil marami talagang inilalatag sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

“Kaya lang nga, hindi pa rin nila gustong mag-work kasi nga takot pa rin sila sa pandemya,” chika ni Ogie.

Hindi rin daw masyadong nagtutugma ang mga gusto ng dalawa dahil minsan ay gusto ni Liza ang storyline habang ayaw naman ni Enrique. Minsan naman daw ay bet ni Enrique pero ang dalaga naman raw ang may ayaw.

Matapos nito ay tinanong naman ni Mama Loi kung contract star pa rin ba ng ABS-CBN si Liza na sinagot naman ni Ogie.

“As far as I’m concerned and as a manager, wala nang kontrata si Liza sa ABS-CBN, sa Star Cinema, at sa Star Magic.

“Nag-expire na kasi yung sa Star Magic pero infairness naman to Liza, sabi niya, kung gagawa daw siya ng teleserye ay sa ABS-CBN pa rin at hindi siya tatalon sa kabilang bakod,” sey ni Ogie.

Ito rin daw ang pinanghahawakan ng Kapamilya network kaya palagi pa rin daw silang nagpi-pitch sa dalaga.

Nag-alok rin daw ito ng kontrata kay Liza pero dahil nga patapos na ang kontrata ng dalaga kay Ogie ay ang team na ni James na bagong humahawak sa aktres ang nakikipag-usap sa ABS-CBN.

Related Chika:
Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano kay Enrique Gil: Paradise is anywhere with you!

Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending