Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba? Bandera

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Ervin Santiago |May 25,2021
share this

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Ervin Santiago - May 25, 2021 - 09:35 AM

 

MAY offer na mga bagong project ang ABS-CBN sa celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil ayon sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz.

Ngunit, hindi na muna magdedetalye si Ogie tungkol dito dahil baka mapagalitan na naman siya ng management tulad ng nangyari noong pangunahan daw niya ang network sa isang proyekto ng LizQuen.

Nakachikahan namin si Ogie kamakailan at nabanggit nga niya ang tungkol sa mga bagong plano ng ABS-CBN para sa kanyang mga alaga kaya abangers na lang daw ang mga LizQuen fans.

Pero sa ngayon, ang kumpirmado ay ang pag-ere uli ng hit primetime series ng LizQuen na “Dolce Amore” sa Kapamilya Channel.

Ibinalita rin ni Ogie sa amin na isa sa pinagkakaabalahan ngayon nina Enrique at Liza ay ang itinatayo nilang negosyo, ang HKT Essentials. Talagang hands on daw ang Kapamilya actress sa bago nilang business venture.

Nu’ng minsan nga raw ay nakita niya ang dalaga na gumagawa ng marketing plans para sa kanilang negosyo. Ito ang dahilan kaya mas lalo pa siyang bumilib sa diskarte ni Liza sa kanyang buhay at career.

Samantala, isa rin ito sa dahilan kaya wala nang panahon ang aktres para maapektuhan sa patuloy na pangnenega sa kanya ng mga bashers.

Hindi na raw nag-aaksaya ng oras ang dalaga sa pagpatol sa mga haters na palaging may nakahandang pangnenega kapag may ipino-post ito na laban sa gobyerno at ilang mga politiko.

Ang huling pamba-bash na naranasan ni Liza ay nang ipatanggol niya si Angel Locsin sa kontrobersyal na community pantry nito kung saan may isang matandang lalaki ang nasawi.

Bilang talent manager, sinabi ni Ogie na pinayuhan niya si Liza na dedmahin na lang ang bashers at siya na raw ang bahala sa mga ito. Kaya ang ending nga, siya naman ang binanatan ng netizens.

“Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, eh,” katwiran ng komedyante at vlogger.

Dugtong pa niya, “Di ba, ma-shock ako kung ang mga bashers mo, eh may masilip na maganda sa ginagawa mo.

“Kaya ‘yung kay Liza at ‘yung sa akin, nang magsalita kami eh, na-bash kami, okay lang ‘yun kasi siyempre, nararamdaman pa rin namin na relevant kami,” sey pa ni Ogie na handang harangin ang bala para lamang iligtas si Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending