Enrique Gil 'demanding' raw kaya hindi natuloy sa GMA? | Bandera

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Reggee Bonoan |October 22,2022
facebook
share this

Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Reggee Bonoan - October 22, 2022 - 05:10 PM

Enrique Gil 'demanding' raw kaya hindi natuloy sa GMA?
TRULILI kaya na maraming demands ang aktor na si Enrique Gil kaya hindi siya natuloy lumipat sa GMA 7?

Ito kasi ang isa sa topic nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” sa nitong Biyernes, Oktubre 21.

“Ito raw si Enrique ang dami-daming hinihingi, ano nga ‘yun Romel? Balin ng radio/online host.

Ayon kay Romel ay hiniling daw ng aktor na isama ang direktor, writer, personal assistant na nakatrabaho na niya sa Kapamilya network ang gusto niyang makasama sa gagawin niya sa Kapuso network.

Sa pagpapaliwanag ni nanay Cristy, “ang gusto raw ni Enrique ang gusto niyang makasama ay mga writers niya dati sa ABS-CBN, ang direktor na hahawak, dapat direktor din mula sa ABS-CBN (at) ang mga production crew ay hahakutin din niya, aba’y sila na lang ang mag-produce.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)

“Bakit siya tatanggapin (at) susundin ng GMA 7?  Kanino ba a ng network?  Sino ba ang susugal? Sino baa ng gagastos sa produksyon, e, hindi naman ‘yung mga gusto niyang makasama?

“May ganito talagang pangyayari, naghahanap kayo ng trabaho, kailangan ninyong kumita dahil siyempre paano kayo mabubuhay kung nakatengga lang kayo?  E, pero pag ganyan naman na binibigyan na kayo ng pagkakataon para kayo ay kumita at magkaroon ng trabaho, ang dami-dami n’yo namang hinihingi?  At ang hinihingi n’yo pa ay malaking insulto sa papasukan ninyong network.

“Ano pa gagawin ng mga writers, director at production crew ng GMA 7 kung ang gusto naman ng artista na magta-trabaho sa kanila ay hahakutin ang mga dati niyang kasama sa trabaho, mali naman ‘yun.  Saka dapat ang masunod ‘yung may hawak ng wallet, sino baa ng gagastos?  Sino ba maglalabas ng puhunan.  Mamumuhunan ba yung mga taong gusto ni Enrique Gil?

“Lalo na ngayon hindi na kagandahan ang estado niya ngayon (dahil) ang tangubg buo na lang ngayon ay ang tambalan nila KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).  Tanggapin natin na tapos itong (tambalan) na JaDine saka itong LizQuen (Liza Soberano at Enrique).”

Samantala, may nag-react naman sa viewers ng CFM na sinabing walang negosasyong nagaganap sa pagitan nina Quen at GMA 7.

“Sana bago kayo mag labas ng ganyang balita, vini-verify niya mabuti kasi according sa camp ni Quen, walang negotiations na nagaganap between him and GMA. And fyi, wala sa ugali ni Quen ang maging demanding. Professional na tao yan at never yan nagka-attitude. Isa sa pinaka mabait sa Movie industry.”

“Innocent gesture lang siguro yung k Enrique. Give him a chance.

“Ba’t pa siya lililipat kung buong produksyon dadalin mo. Tuloy ang buhay ng GMA kahit wala yang Enrique na yan.”

“Did Enrique say he was transferring and have done negotiations with GMA? Nothing of that sort. Don’t believe anything until you heard it from Enrique Gil.”

“Somehow true ito kc remember before si Bea lumipat sa gma7, naging usap-usapan na siya ay lilipat ang daming tao ayaw maniwala kesyo chesmis lang daw etc but look and behold totoo nga pala lilipat siya.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Enrique Gil o ng management company niya kung totoong lilipat siya.

Related Chika:
Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala munang LizQuen for the moment, since busy pa ‘yung baby ko — Enrique Gil

Enrique Gil tutuloy pa kaya sa pagganap sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending