Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto? | Bandera

Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?

Therese Arceo |July 22,2022
facebook
share this

Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?

Therese Arceo - July 22, 2022 - 10:35 PM

Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?
USAP-USAPAN ngayong ang big stars na sina Liza Soberano at James Reid dahil sa napapabalitang pagsasama ng dalawa sa isang proyekto.

Naging topic kasi ang dalawa sa “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi st Tita Jegs kung saan nabanggit nito ang bali-balitang pagtatambal ng dalawa.

Si James na ngayon ang talent manager ni Liza matapos itong hindi na mag-renew ng kontrata kay Ogie Diaz na naging manager niya ng mahigit isang dekada.

Hindi naman naniniwala si Ogie sa mga kumakalat na balitang magtatambal ang kanyang dating alaga at ang bago nitong manager sa isang proyekto.

“Hangga’t hindi sinisimulan, hangga’t hindi natatapos. Kung pelikula man ‘yan o teleserye, hindi ako maniniwala,” saad ni Ogie.

Aniya, ang goal raw ni Liza ay ang pasukin ang Hollywood at ang Korean entertainment industry kaya nga nito piniling i-explore ang career sa ilalim ng management ni James.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

 

Sobrang gusto niya talaga na magkaroon ng isang Korean movie,” sey pa ni Ogie.

Chika pa niya, marami na raw inquiries na natatanggap ang bagong talent management ni Liza para sa mga career opportunities sa Hollywood.

Matatandaang kamakailan lang nang makitang si James sa South Korea kasama si GOT7 Bambam at ang singer na si Chancellor.

Bukod rito, marami rin ang mga bulung-bulungan na maaaring magkaroon ng collaboration ang Careless Music sa South Korea dahil na rin sa pagbisita nina James at Liza sa mga executives ng Korean music label na Starship Entertainment.

Bagamat bukas naman si Ogie sa posibilidad na maaaring tama ang mga balitang may chance na magtambal ang dating alaga at ex-dyowa ni Nadine, nais muna niyang hintayin ang kumpirmasyon ukol rito dahil buo ang loob niya na wala itong katotohanan.

Dagdag pa niya, ibinibigay na niya ang desisyon kay Liza at sa longtime boyfriend nitong si Enrique Gil.

“Sila [Enrique at Liza] may desisyon nun. Pero syempre tiyak na magrere-act ang Lizquen fans,” sey ni Ogie.

Speaking of Enrique, recently nga ay spotted ito kasama ang ABS-CBN executives na nagmi-meeting para sa kanyang comeback project sa showbiz.

Matatandaang dalawang taon ring nagpahinga ang binata matapos ang kanilang teleseryeng “Make It With You” na hindi na naituloy dahil sa onset ng COVID-19 pandemic.

“Tulad ng ating binalita rito, magso-solo na si Ken [Enrique] at excited na siya. Kaya magpapaganda rin ng katawan si Ken, habang siya naman ay excited din for Liza, sa pangarap nito na Hollywood at Korean [projects],” chika pa ni Ogie.

Related Chika:
Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending