True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya? Bandera

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Ervin Santiago |May 18,2021
share this

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Ervin Santiago - May 18, 2021 - 09:57 AM

HOT topic ngayon sa social media ang isang Facebook post kung saan nag-react umano ang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa pagkatalo ni Rabiya Mateo 69th Miss Universe pageant.

Sa nasabing FB account na nakapangalan kay Liza, sinabi nito na kapag daw hindi itinanghal na Miss Universe si Rabiya ngayong taon ay talagang sasali na siya sa susunod na taon.

“Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” ang nakasaad sa Facebook page na “Liza Soberano,” na umani naman ng libu-lbong reactions mula sa mga netizens.

Sa isa pang status ng nasabing account, nakalagay ang mensaheng, “Bawi tayo next year! Ako bahala.”

Ngunit nang makarating nga sa girlfriend ni Enrique Gil ang mga nasabing post, agad niya itong dinenay sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account.

Ibinahagi ni Liza ang ilang screenshots ng viral Facebook post sa Instagram Stories at mariing pinabulaanan na sa kanya nanggaling ang mga nasabing pahayag.

“Hello, everyone! Just dropping by to say that I do not have a Facebook account.

“This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.

“Please help me spread the words and report this account,” pakiusap pa niya sa kanyang IG followers.

Ipinagdiinan din ng Kapamilya star na wala talaga siyang planong mag-join sa mga beauty pageant. As in napakarami nang kumukumbinsi sa dalaga na sumali sa Binibining Pilipinas pero talagang ayaw niya.

“As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me.

“I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound),” aniya pa.

Actually, maging sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray ay naniniwala ring malaki ang posibilidad na manalong Miss Universe si Liza dahil sa taglay nitong talino at classic beauty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending