Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James Bandera

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Ervin Santiago |June 26,2022
share this

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 06:51 AM

Ogie Diaz, Enrique Gil, Liza Soberano at James Reid

HINDI naniniwala ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa tsismis na nagkakamabutihan na raw sina Liza Soberano at James Reid.

Ipinagdiinan ni Ogie na sa pagkakaalam niya, going strong pa rin sina Liza at Enrique Gil kahit pa may kanya-kanya na silang ganap ngayon sa kanilang showbiz career.

Ayon pa sa dating manager ni Liza na nakachikahan namin after ng private screening ng bagong Vivamax movie na “Virgin Forest”, napakaimposibleng mangyari na magkaroon ng “something” ang dalawa dahil nga bukod sa very much together pa rin ang dalaga at si Enrique ay matagal na nilang kaibigan si James pati na ang ex-girlfriend nitong si Nadine Lustre.

Sey pa ni Ogie, sa pagkakakilala niya kay Liza hindi raw ito ganoong klaseng babae na kaagad pumapatol sa lalaki. In short, hindi malandi o haliparot ang aktres.

At tulad ng sinabi ni Liza sa isang interview, naniniwala rin si Ogie na okay na okay pa rin ang relasyon ng dating alaga at ni Enrique at walang bahid ng katotohanan ang tsismis na nag-break na sila.

Samantala, walang sama ng loob ang vlogger at talent manager kay Liza sa paglipat nito sa management ni James na Carelesa Music.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Nagpaalam naman daw nang maayos sa kanya ang aktres at hangad niya na maabot at magtagumpay ito sa pinakaaasam na Hollywood career.

Inamin naman ni Ogie na hindi siya kinausap ni James sa pag-alis ni Liza sa kanyang talent agency. Pero aniya, wala raw itong issue sa kanya.

Baka raw nagkaroon ng problema kung super close sila ni James at hindi man lang siya kinausap o nagpasintabi sa paglipat ni Liza sa kanyang kumpanya.

“Okay lang. Siyempre, nasa tao naman ‘yun kung gustong magpaalam. Kung hindi, wala rin namang problema. Walang kaso sa akin,” sabi ni Ogie.

Naikuwento rin ng komedyante na kahit daw umalis na sa poder niya si Liza ay maraming pa ring mga magulang ang nagpupunta at nagtitiwala sa kanya para maging talent niya.

Naloka nga raw siya nang dalhin at ipakita sa kanya ng isang nanay ang 3 months old niyang baby at nagsabing, “Alagaan mo rin ang anak ko at gawin mong Liza Soberano.”

“Si Liza, 12 years old nang dinala sa akin. Pero ito tatlong buwan pa lang. Ano to, ako na ang magpapalaki sa sanggol! Ha-hahahaha!” ang tawa nang tawang chika ng vlogger.

Well, isa lamang ang ibig sabihin nito, kahit umalis na si Liza kay Ogie, marami pa rin ang nagtitiwala na mapapasikat niya ang mga kabataang nangangarap na mag-artista at makilala sa showbiz.

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Liza Soberano dinenay na hiwalay na sila ni Enrique Gil: We’re totally fine, he’s very supportive pa rin

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending