Nadia Montinegro masama ang loob kay Ogie Diaz
INAMIN ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz na nagkaroon ng sama ng loob sa kanya ang aktres na si Nadia Montenegro.
Sa December 19 episode ng “Showbiz Update”, nabanggit ng talent manager ang naging dahilan ng pagtatampo sa kanya ng aktres.
“No’ng namatay noon si Mother Lily, nando’n kami sa likod. Para lang sabihin niyang nagagalit siya [Nadia] sa akin, masama ang loob niya sa akin.
“Kasi daw hindi ko raw alam kung anong naidulot no’ng interview ko kay Baron [Geisler] tungkol sa anak niya, binu-bully sa school,” saad ni Ogie.
Baka Bet Mo: Nadia Montenegro gumaling sa sakit na Wolff-Parkinson-White Syndrome
View this post on Instagram
“So ako naman, kung feeling mo na-offend kita, nag-sorry naman ako kay Nadia. Nag-sorry ako sa kaniya. Kasi siyempre, mataas na si Nadia noong kino-confront niya ako,” wika niya.
Ngunit ngayon raw ay nagbago na ang lahat dahil nagpapa-interview na siya tungkol sa isyu sa anak.
“O, ngayon 360 degrees nagpapa-interview na siya—kay Julius Babao, kay Mikee Quintos, kung sino pang
gustong makausap tungkol do’n sa anak niya, nagpapa-interview na siya,” sey ni Ogie.
Para sa mga hindi aware, umamin noon ang batikang aktor na si Baron Geisler na nagkaroon na ito ng anak sa pagkabinata.
Ito ay nangyari nang ma-interview siya ni Ogie Diaz sa isa pa niyang YouTube channel.
Kasabay ng kanyang oag-amin ay ang paglabas ng mga balitang si Nadia ang naanakan nito.
Nilinaw naman ng aktre na hindi niys itinago sa malalapit sa kanya ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.