Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon | Bandera

Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon

Therese Arceo |March 10,2022
facebook
share this

Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon

Therese Arceo - March 10, 2022 - 09:28 PM

DIRETSAHANG sinabi ni Jinkee Pacquiao na wala siyang balak na gayahin si Imelda Marcos sakaling manalo sa pagka-presidente ang kanyang asawang si Manny Pacquiao.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging magarbong pamumuhay ni Imelda Marcos noong kasagsagan ng pamumuno ng kanyang asawang si Ferdinand Marcos.

Sa isang panayam ni Jinkee ay ibinahagi nito na pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino ang kanyang uunahin at hindi ang pagpapayaman kanyang aatupagin.

“Alam naman ng mga tao na meron na akong mga ganoon (koleksyon ng mga sapatos) and hindi ‘yun ang priority ko,” saad ng asawa ni Pacquiao.

Marami kasi ang nagkukumpara kay Jinkee sa dating first lady dahil na rin sa mga hilig niya sa mga luxury items gaya ng mga sapatos, nga bags, at mga damit.

Dagdag pa niya, sa oras na maluklok sa pwesto ang kanyang asawa ay hindi na rin niya ibibida ang kanyang mga mamamahaling kagamitan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Bago pa man ang panayam ni Jinkee sa Tribune ay matagal nang ipinagtatanggol ni Sen. Manny Pacquiao ang asawa sa mga bashers ng asawa.

Sa isang article na inilabas ng Bandera noong December 2021, iginiit ni Pacman na malayo ang kanyang asawang si Jinkee kay Imelda at ipinapangako niya na kailanaman ay hindi magiging pareho ang dalawa.

“Ang asawa ko ay mahiyain at hindi mahilig sa pulitika. Ang gusto niya ay magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na ‘yung mahihirap,” saad ni Pacquiao.

Pagtatanggol pa niya kay Jinkee, “Gusto niya ‘yung pagbibigay ng scholarships, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at ‘yung sustainable livelihood. Gusto niya ‘yung mga charity work.”

Related Chika:
Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin
#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz
Pacquiao muling kinampihan si Jinkee: Hindi mayabang ang asawa ko, siguro po yung iba naiinggit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending