#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz Bandera

#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz

Therese Arceo |July 28,2021
share this

#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz

Therese Arceo July 28, 2021 - 05:17 PM


NAGDIWANG ang buong bansa nang masungkit ng “weightlifting fairy” ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa Tokyo 2020 Olympic Games.

Maski mga celebrities nga ay hindi nagpahuli sa pagbati sa Pinay athlete at proud na proud sila sa nakamit ng pambatong weightlifter ng bansa.

Isa na nga rito ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao na tuwang-tuwa rin sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Olympic Games.

Marahil dahil na rin sa matinding excitement, namali si Jinkee ng flag na ginamit sa kanyang post nang i-congratulate ang nagwaging atleta.

Imbes kasi na Philippine Flag, bandila ng Sint Maarte, isang bansa mula sa Carribean Islands, ang naibandera nito sa kanyang IG story.

Halos parehas kasi ang itsura ng dalawang watawat. Ang pagkakaiba nga lang nito ay kulay blue ang nasa taas ng bandila ng Pilipinas samantalang red naman ang sa Sint Maarte.

Maraming netizens naman ang agad nakapansin at tinawag ang atensyon niya.

Sa isang IG post, muling binati ni Jinkee si Hidilyn. Sa post rin na ito, humingi siya ng paumanhin sa maling nagamit na flag emoji sa IG story.

Dagdag pa nito, “That was unintentional. Love you all! God is good!”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending