Celeste Cortesi sinagot kung bakit karapat-dapat siyang manalong Miss Universe 2022; bagong korona ng pageant ibabandera na
LUMIPAD na patungong Amerika ang Filipina beauty queen na si Celeste Cortesi bitbit ang bandera ng Pilipinas para sa 71st Miss Universe pageant.
Doon na ipagpapatuloy ng dalaga ang kanyang training bilang Miss Universe Philippines 2022. Hinatid pa si Celeste ng kanyang boyfriend na si Matthew Custodio sa airport last December 16.
Ang nasabing international beauty pageant ay magaganap sa New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, sa darating na January 14, 2023.
Binigyan naman ng send-off party ng Miss Universe Philippines organization si Celeste kasabay na rin ng pagdiriwang niya ng 25th birthday last December 15.
Sa nasabing event, sinagot ng dalaga ang posibleng tanong na ibato sa kanya sa gaganaping preliminary pageant o sa mismong coronation night — “Can you tell us why we should select you to be the next Miss Universe?”
View this post on Instagram
Tugon ni Celeste, “I’ve always wanted to challenge the fact that a beauty queen has to look perfect. I never believe in that.
“I believe that a beauty queen doesn’t need to fit a certain standard. I believe that a beauty queen can be different because we’re still human being.
“And I’ve always wanted to join this competition with a purpose, being real, authentic and be relatable to people.
“I believe that I am not scared of showing my vulnerability and I’m not scared to talk about my experiences, especially my struggles.
“And I know that because of this kind of strength that I have, people can relate to me and that’s what I want.
“I believe that Miss Universe doesn’t have to be someone that is unreachable but someone that has to relate to people and I know that I am that kind of person,” aniya pa.
Samantala, ayon sa Thai businesswoman na si Anne Jakrajutatip, ang bagong may-ari ng Miss Universe, sa darating na December 19 na ang unveiling ng bagong korona ng Miss Universe. Ito’y matutunghayan sa True Icon Hall ng Icon Siam sa Bangkok, Thailand.
Sabi ni Anne, aabot sa 6 million US dollars ang halaga ng bagong Miss Universe crown.
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?
Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana’y maabutan pang buhay ang lola
Yam nagpakasal na kay Miguel CuUnjieng sa New York; sa halip na bulaklak, alagang aso ang bitbit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.