Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana'y maabutan pang buhay ang lola | Bandera

Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana’y maabutan pang buhay ang lola

Reggee Bonoan |December 19,2021
facebook
share this

Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana’y maabutan pang buhay ang lola

Reggee Bonoan - December 19, 2021 - 05:55 PM

Liza Soberano

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nakarating na marahil sa Amerika si Liza Soberano kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.

Ito’y para puntahan nga ang kanyang Lola Bobbie na doon na nakatira kasama ang kanyang inang si Jacqulyn Elizabeth Hanley.

Walang LizQuen na sumipot sa “Andito Tayo Para sa Isa’t isa: ABS-CBN Christmas Special” kagabi na ginawa sa Studio 10 ng network dahil nga nagkaroon siya ng emergency call mula sa pamilya niya sa US.

At pagkarinig daw ng balita ay kaagad ng nag-empake ang dalaga at lumipad patungong Amerika nitong Sabado ng hatinggabi.

Humingi naman ng dispensa si Liza sa mga nag-abang sa kanila ni Quen sa Christmas special ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Twitter account kaninang tanghali na lumabas na rin dito sa BANDERA.

“Hello everyone! As much as @itsenriquegil and I would’ve loved to be at the ABS-CBN Christmas Special this year, we won’t be able to make it due to unforeseen circumstances. We really wanted to be there for all of you and we were ecstatic to see our Kapamilya whom we missed,” mensahe ng dalaga.

Nabanggit din na nakapag-recording na sila ni Enrique nu’ng umaga, “Actually we were just at ABS-CBN yesterday recording for tonight’e event. I received a call from my family in the States yesterday right after recording and I was told that may great grandma Bobbie wasn’t doing so well.

“She was one of the people who raised me back when I was in America and I wouldn’t miss being with her during tough times for the world.  Please include her and the rest of our family in your prayers.  Thank you so much for understanding. Love you all.”

Kinumpirma naman ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa YouTube channel nito kagabi na nagtungo na nga ang dalaga sa Amerika.

“Originally ang LizQuen ay dapat nasa Christmas Special ng ABS-CBN this Saturday kaso nga need lumipad ni Liza sa US dahil gusto niyang maabutang buhay pa ang lola niya na ang bilin ay bago man lang ito mawala ay makita man lang ni grandma ang kanyang mga apo na sina Liza at Justin.

“Kaya kaagad tumulak nitong December 18 ng gabi si Liza at sinamahan pa siya ni Enrique Gil na kanyang boyfriend.

“Mahal na mahal ni Liza ang kanyang lola dahil laking lola si Liza kaya nga iyak siya nang iyak nang tumawag sa akin at nakiusap kung puwede siyang lumipad kaagad-agad at nag-wish pa si Liza na sana maabutan niyang buhay ang kanyang lola at makausap niya ito at baka humaba pa ang buhay.

“Kaya pasensya na sa mga nag-aabang kay Liza na makita sa Christmas special ng ABS-CBN dahil siya ay kailangan talaga ng kanyang lola at ‘yun lang ang hiling, ang makita siya,” kuwento pa ni Ogie.

https://bandera.inquirer.net/284850/ogie-sa-haters-ni-liza-wala-namang-nakikitang-maganda-ang-bashers-kaya-nga-sila-bashers-di-ba

https://bandera.inquirer.net/281159/liza-nangako-kay-enrique-to-more-adventures-and-growing-old-together-i-love-you-so-so-so-much

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288359/feeling-ko-mananalo-yan-pag-sumali-sa-miss-universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending