GMA 7, ABS-CBN sanib-pwersa sa ‘PBB Celebrity Edition Collab’
MAGKAHALONG pagka-shookt at excitement ang nararamdaman ng mga Kapuso at Kapamilya sa bonggang announcement ng ABS-CBN at GMA 7.
For the first time kasi ay magko-collab ang dalawang network para ihandog sa mga Pinoy viewers ang panibagong celebrity edition ng “Pinoy Big Brother“.
Ito ang unang pasabog ng Kapamilya Network para sa celebration ng 20th anniversary ng naturang reality show.
Sa report ng “24 Oras” nitong Lunes, January 27, ibinandera nga ni Big Brother na bubuksan muli ang pinto ng kanyang bahay para sa mga Kapamilya at Kapuso na bet maging housemates.
Ang edisyong ito ay tatawaging “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” dahil bukod sa magsasama-sama sa Bahay ni Kuya ang Star Magic at Sparkle artists ay mapapanood din ang programa sa GMA 7.
This is the very first time na ipalalabas sa Kapuso station ang “PBB” mula nang umere ang unang season ng reality show sa ABS-CBN noong August, 2005.
Narito ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa bonggang collab nila ng GMA.
“Pinoy Big Brother marks its 20th anniversary with an exciting milestone as GMA Network and ABS-CBN collaborate for its newest season, ‘PBB Celebrity Edition Collab.’
“For the first time, PBB opens the doors of the iconic Bahay ni Kuya to welcome GMA Sparkle artists, alongside ABS-CBN’s Star Magic talents.
“Together, Kapuso and Kapamilya stars will collaborate and create unforgettable moments inside the PBB house.
“Maraming salamat, Kapuso and Kapamilya.”
Nauna nang nagkaroon ng kolaborasyon ang dalawang network noong 2023 para sa seryeng “Unbreak My Heart” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia.
Sumunod dito ang pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa GMA at GTV matapos mawala sa kanila ang “Eat Bulaga.”
Samantala, shocked ang ilang netizens sa announcement ng dalawang network pero mas lamang daw ang excitement nila kung sinu-sinong Kapamilya at Kapuso stars ang papasok sa Bahay ni Kuya. Ngayon pa lang daw ay abangers na sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.