Stell, Pablo ng SB19 proud ‘retokado’: ‘Nakaka-boost siya ng confidence!’
“NAKAKA-BOOST pala talaga siya ng confidence!”
‘Yan ang naging pahayag ng SB19 members na sina Stell at Pablo nang tanungin sila ng King of Talk na si Boy Abunda patungkol sa usaping surgical enhancements.
Una muna silang inusisa ni Tito Boy kung sila ba ay nagparetoke at agad namang nagsabi ng “yes” ang dalawa.
“Yeah. Even my friends po, when they ask me, parang ‘Uy, nagpa-ano ka ba talaga?’ Sinasabi ko, ‘Oo. Hindi ba obvious?’” chika ni Stell.
Patuloy niya, “Sinasagot ko, ‘Pag sinabi ko bang no, maniniwala ka? ‘Di ba hindi ka rin naman maniniwala?’ So, sinasabi ko po.”
Para kay Stell, walang masama sa surgical enhancements, lalo na kung may panggastos ka naman para rito.
“Kasi I think wala namang mali kasi I’m sure, ‘pag tinanong ko ‘yung friend ko, sabihin niya, ‘Ay, ‘pag may pera ako, papagawa ko rin ‘yan.’ Ganun lang po ngayon eh,” paliwanag ng main vocalist and main choreographer ng P-Pop sensation.
Umamin naman si Pablo na dati ay ayaw niyang sumailalim sa surgical procedures, pero nagawa pa rin niyang ipaayos ang kanyang ilong.
“Sabi ko po sa kanila, ‘Di ba napag-usapan natin ‘yan ‘nung ‘di pa tayo kilala, parang ‘magpapa-ganon ka ba ever?’ Parang ganun. Tapos ang sagot ko po, ‘Never. Hindi. Hindi pumasok sa isipan ko,’” kwento niya.
Dagdag pa ng lider ng SB19, “Pero hindi ko na lang namalayan one day, nagpapa-filler na ako dito (sabay turo sa ilong).”
Aniya pa, “Sabi ko, ‘Nakaka-boost pala talaga siya ng confidence.’”
Hirit naman ni Stell, ang pagpaparetoke ay bunga rin daw ng hard work, “Tsaka, if you have the means, why not? ‘Di naman hinihingi ‘yun. Pinagtatrabahuhan.”
Ang dalawang SB19 stars ay magsisilbing celebrity guests para sa bagong season ng “The Voice Kids Philippines” na magsisimula na sa September 15 sa GMA Network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.