SB19 Stell rumampa sa Australian premiere ng ‘Wicked’: Made my heart happy!
BAGO ipalabas sa Pilipinas, nauna nang napanood ni Stell Ajero ang big screen adaptation na “Wicked.”
Ito ay naganap noong Linggo, November 3 sa State Theatre sa Sydney, Australia.
Sa pamamagitan ng Instagram, masayang ibinandera ng SB19 member ang ilang litrato niya sa Australian premiere ng nasabing fantasy musical film na pinagbibidahan nina Ariana Grande at Cynthia Erivo.
Lubos din siyang nagpasalamat sa Universal Pictures Philippines dahil siya ang napiling magpunta sa event.
Baka Bet Mo: LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre
View this post on Instagram
Sa hiwalay na post ng P-Pop idol, ibinida niya ang ilang pictures sa event at ramdam na talagang nag-enjoy siya sa premiere.
“What an experience! I really loved the movie,” sey niya sa caption.
Aniya pa, “Getting to [see] it made my heart soooooo happy! I can’t wait for you guys to see it too.”
View this post on Instagram
Nag-post naman sa Facebook ang local branch ng nabanggit na film distributor at sinabing si Stell ang isa sa mga Pinoy na unang nakasaksi sa pelikula.
“Touchdown Sydney. SB19 Stell Ajero is headed to the ‘Wicked’ movie world premiere! He will be one of the first Filipinos in the world to see the magic on the big screen,” wika sa post.
Magugunitang ilang beses nang inawit ni Stell sa ilang performance niya ang “Defying Gravity,” ang isa sa hit songs ng musical.
Kabilang na riyan ‘yung opening performance niya sa Manila concert ni David Foster noong Hunyo, pati na rin sa Quezon City leg ng “Pagtatag!” World Tour na ginanap sa Quezon City last year.
Samantala, ang “Wicked” movie ay ipapalabas na sa November 20 sa mga lokal na sinehan.
Si Ariana ang gaganap bilang si “Glinda,” habang si Cynthia ay si “Elphaba.”
Magkakaroon din ito ng ikalawang yugto na pinamagatang “Wicked: Part Two” na nakatakdang ipalabas naman sa taong 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.