LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

Pauline del Rosario - November 03, 2024 - 03:38 PM

LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

EXCITING ang movie lineup ngayong buwan ng Nobyembre dahil ang mga bida ay talaga namang mga bigatin at star-studded!

Narito ang tatlong pelikula na tiyak na pagkakaguluhan sa mga lokal na sinehan.

Red One

LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Magsasanib-pwersa ang Hollywood stars na sina Dwayne Johnson at Chris Evans sa “Red One,” ang action-packed holiday film na ipapalabas sa November 6.

Ang istorya ay iikot sa misyon nilang iligtas ang binansagang Father of Christmas na sa Santa Claus.

Baka Bet Mo: Pinoy stunt coordinator Jojo Eusebio 1st time mag-direk ng Hollywood movie

“After Santa Claus – Code Name: RED ONE – is kidnapped, the North Pole’s Head of Security (Dwayne Johnson) must team up with the world’s most infamous bounty hunter (Chris Evans) in a globe-trotting, action-packed mission to save Christmas,” sey sa synopsis na inilabas ng Warner Bros. Pictures.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ng sikat na screenwriter and producer na si Chris Morgan.

Para sa kaalaman ng marami, siya rin ang nasa likod ng blockbuster films kagaya ng “Fast & Furious” franchise, “The Mummy,” “Shazam! Fury of the Gods,” “47 Ronin,” at marami pang iba.

SANA: Let Me Hear

LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

PHOTO: Courtesy of Encore Films

Siyempre, hindi pa tapos ang spooky season dahil babandera rin ang horror Japanese movie na “SANA: Let Me Hear.”

Tungkol ito sa isang “deadly curse” na nababalot sa isang grupo ng mga estudyante na pinagbibidahan ng Japanese stars na sina Nagisa Shibuya, Hayase Ikoi, at Soma Santoki.

Matatakasan kaya nila ang sumpa makalipas ang sampung dekada?

Ang pelikula ay mananakot na sa mga sinehan sa November 13.

Baka Bet Mo: Bagong ‘Paddington’ movie magbabalik big screen after 7 years

Narito ang synopsis na inilabas ng Encore Films:

“In 1992, a rooftop confrontation between schoolgirls ends in tragedy as one girl, Sana, accidentally falls to her death. Mysteriously, a cassette recorder was found next to her body, still recording. 32 years later, a young woman named Honoka (Nagisa Shibuya) is hired to teach summer classes at the same school. History repeats itself as another student falls from the same building, witnessed by Honoka and her students, Hitomi (Hayase Ikoi) and Takeru (Soma Santoki).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wicked

LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

Finally, masisilayan na sa November 20 ang big screen adaptation na “Wicked” makalipas ang dalawang dekada sa musical stage.

Ang bibida sa bagong pelikula ay ang sikat na international singer na si Ariana Grande bilang si “Glinda,” habang ang gaganap naman sa role bilang “Elphaba” ay ang English singer-actress na si Cynthia Erivo.

“‘Wicked’ is the story of the witches of Oz when they meet as students at Shiz University. Elphaba, who stands out because of her green skin, and Glinda, a popular and ambitious woman, forge an unlikely yet profound friendship. A journey across the land of Oz and an encounter with The Wonderful Wizard of Oz (Jeff Goldblum) tests their friendship and takes their lives on very different paths,” kwento ng Universal Pictures.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending