Cassy sumeksi dahil sa pagbabago ng lifestyle: I lost 30 pounds

Cassy Legaspi sumeksi dahil sa pagbabago ng lifestyle: I lost 30 pounds

Ervin Santiago - February 17, 2025 - 12:15 AM

Cassy Legaspi sumeksi dahil sa pagbabago ng lifestyle: I lost 30 pounds

Cassy Legaspi

SUCCESSFUL ang health and fitness journey ng Kapuso actress at host  na si Cassy Legaspi matapos mabawasan ang kanyang timbang.

Ibinandera ng anak nina Carmina Villarroel sa buong universe ang resulta ng ginagawa niyang pagpapapayat  ngayong 2025.

Base sa napapanood naming mga Tiktok video ni Cassy at sa mga latest photos na ipino-post niya sa Instagram, kitang-kita ang napakalaking pagbabago sa kanyang katawan.

Aside from this, mas naging blooming pa ngayon ang dalaga at nag-uumapaw ang self-confidence.

Pinusuan at ni-like rin ng mga netizens ang kanyang Latina makeup challenge sa social media pati na ang kanyang Valentine’s Day photoshoot.

Ini-reveal ni Cassy sa panayam ng GMA ang resulta ng kanyang weigh loss journey, “I lost 30 pounds. Grabe ‘yung 30 pounds na iyan.”

Baka Bet Mo: Carla wasak ang puso sa mga papataying aso sa Bacolod City Pound; ubos na ang donasyon, wala nang gustong mag-adopt

Sey ng Kapuso star, kinailangan din talaga niyang magbawas ng timbang dahil sa pagkakaroon ng hypothyroidism na nakaapekto sa kanyang overall health.

Mas kinakarir na raw niya ngayon ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan at grabe rin ang pinaiiral niyang disiplina pagdating sa kanyang eating habits.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)


“Nagpa-check up na ako and then talagang change lifestyle. In terms of diet, kailangan talaga itiyaga but at the same time hindi pwede mag-calorie counting masyado.

“Dapat sakto lang, saktong amount. The types of food din that I eat,” sabi pa ng twin sister ni Mavy Legaspi

Sey pa ng falaga, talagang all-out ang support ng kanyang pamilya sa ginagawa niyang fitness journey. Sa katunayan, sinasabayan pa siya ng mga magulang at kapatid kapag meron siyang workout sessions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“That’s our bonding. Actually, it does. Parang two in one na siya na since I don’t get to see my family as we much all love work and all of that, parang iyan na ‘yung bonding namin, nagdyi-gym kami,” saad ni Cassy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending